Nakuhanan ng larawan ng mag-asawang nagbibiyahe sa kahabaan ng British Columbia ang isang taong nagbibisekleta na hinabol ng isang grizzly bear.
Habang kumukuha umano si Cassie Beyer ng larawan sa mga tanawing kanilang dinadaanan, biglang inapakan ng asawa nito ang preno ng kanilang sasakyan at saka dali-daling nag-busina. Ang dahilan? Hinahabol umano ng isang grizzly bear ang isang nagbibisekleta.
Dumating din ang isang sasakyan upang takutin ang naturang hayop sa pamamagitan ng pagbusina hanggang sa makuha nito ang atensyon nito kung kaya’t nakatakas ang lalaking nagbibisekleta mula sa naturang lugar.