Ni: BRYAN CAPUNONG
WALANG balak magpapatupad ng lockdown ang probinsya ng Cebu, kahit pa nakapagtala na ng unang kaso sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang lalawigan.
Ito ang napagdisisyunan ng mga top officials ng Cebu sa isiginawang pagpupulong kaugnay pa rin sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Cebu Governor Gwen Garcia, sapat na ang kanilang ginawagang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit sa probinsya.
Kung magpapatupad anya ng lockdown ang lalawigan, ayon kay Garcia siguradong apektado ang ekonomiya ng probinsya.
Maapetukhan din ang pagpasok ng mga produkto at suplay na galing sa mga lungsod at bayan na sakop ng lalawigan.
Kasama na rin na maapektuhan kung ipapatupad ang lockdown ang pag-uwi ng mga trabahante sa kanilang tahanan lalo na kung nakatira ang mga ito sa labas ng Metro Cebu.
Matatandaang nagpapatupad na ang lalawigan ng boarder control sa lahat ng pantalan at airport upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa probinsya.
Istriktong ipapatupad na rin ang one meter social distancing policy sa lahat ng mga publikong sasakyan lalawigan.
Patuloy namang nanawagan si Garcia sa mga sugbuanon na manatili nalang sa mga bahay, ugaliing gawin ang maayos nga personal hygien at manatiling kalmado kahit pa nagpapatuloy ang banta ng COVID-19 sa bansa.
Samantanla, nakatakdang magbigay ng libreng bigas ang lungsod ng Cebu sa mga residenting apektado sa ipanatupad na community quarantine sa lungsod.