NAGMULA sa De La Salle University (DLSU) – Manila ang mga mag-aaral na bumuo ng kakaibang imbensyon.
Ni: Crysalie Ann Montalbo
MADALAS ka bang mayamot kapag dumadating ang oras na “low battery” na ang iyong cellphone? Huwag ng mag-alala at humanap ng kahanga-hangang imbensyon na may tatak Pinoy.
UTAK AT KAMAY NG CHARGEE
UMIINIT ngayon sa social media ang bagong imbensyon na ilang mag-aaral ng De La Salle University (DLSU).
Sa isang Facebook post, nag-viral ang isang ID na diumano ay pwede rin na gamiting power bank. Ito ay naglalaman ng 128 gb o gigabytes na flash drive at mayroong 1,9000 mAh o milliampere hour na nagsusukat ng kung gaano kahaba magtatagal ang aparato bago ito i-recharge.
Ang bagong imbensyon ay pinangalanang “Chargee,” mula sa dalawang bagay na naging tuon ng matinding pananaliksik, charge at ID.
Ang ideya para sa Chargee ay galing sa mga estudyante ng DLSU na sina David Zinampan, Sarah Tan, Celine Solis, Andreana Gabrielle, Yu Santos at Ivan Yeung. At sa kabilang banda naman, pinaningning ng binatang si Angelo Casimiro, isang mag-aaral mula sa Electronics Engineering department, ang pagkabuhay ng nasabing imbensyon.
Umani ng mahigit 50,000 likes at 30,000 shares ang kamangha-manghang idinulot ng identification card ala power bank at flash drive.
SI Angelo Casimiro ang nasa likod ng pagkabuo ng imbensyong Chargee.
SARI-SARING REAKSYON NG MAHIKERO
LAKING tuwa ni Casimiro dahil hindi niya inakalang papatok ang kanilang inilikha.
“I posted it in my personal profile since I just wanted to show it to my friends on campus who also love technology. I didn’t expect it to go viral real fast,” ang sabi ni Casimiro sa kanyang online na panayam.
Ayon sa kanya, ang mga nasabing mag-aaral ng Industrial Engineering ay humingi ng pabor sa kanya na gawan ng modelo ang kanilang group project.
“David approached me with the idea for their school project. The moment he told me his concept, I knew he was up to something. I told him I could make a 3D printed version for them,” dagdag ni Casimiro.
Sinabi ng mga bumuo ng konsepto ng Chargee na ang nagbunsod sa kanila ay yung madalas problemahin ng mga estudyante ang emergency charging at pati ang mga flash drives na madalas naiwawala.
“The idea was basically to provide emergency charging for people. Since when we walk around school, we always have our IDs and phones with us, but no one really thinks of bringing a power bank everywhere they go,” ayon kay Solis, isa sa mga bumuo ng konsepto.
“We saw a similar product that incorporates a flash drive in their ID holder, and we thought of adding a power bank as well,’’ sabi ni Solis. “We know that this will benefit students and employees since we use our smartphones often in school or work,” dagdag ni Zampan.
“We didn’t expect that it would catch this much attention, because when we were presenting it in class, there were a lot of questions about Chargee,” sabi ni Tan, na talagang ikinabigla niya ang pag-viral ng nasabing Facebook post ni Casimiro at umani ng maraming katanungan ang kanilang proyekto sa loob ng klase.
Nagsimula ang Chargee noong Hunyo ngunit mas pinagaganda pa nila ito ngayon. Itinutuon nila ngayon ang pansin sa pagdadagdag ng bagong features sa Chargee. Hindi pa rin nakakapagdesisyon ang grupo kung ibebenta ba ang produktong ito.
ANG aparatong Chargee ay makakatulong sa mga mag-aaral na may suliranin sa kanilang low-battery na cellphone at nakakalimutang flash drive.
ANG BATANG IMBENTOR
Si Angelo Casimiro, ang nasa likod ng nag-viral na Chargee, ay isa sa mga itinuturing ngayon na “promising Filipino young innovator.” Nagpapasalamat siya dahil sa kakaibang konsepto na inilahad sa kanya ng mga estudyante ng DLSU.
Apat na taon pa lang noong nagsimulang gumawa ng proyektong gumagamit ng teknolohiya si Angelo at sinabi niyang bonding nila ito ng kanyang yumaong lolo, na isang inhinyero.
At sa edad na 15, nagtagumpay siya sa pagbuo sa orihinal na imbensyon — ang insole power generator na nakadikit sa sapatos at ito ay makakapag-charge ng smartphones. Umaandar ito sa pamamagitan ng pagtakbo o jogging sa loob ng walong oras. Kinilala ito sa Google Science Fair 2014 at naging kauna-unahang Pinoy na nakapagpanalo ng award. Ibinunyag niya na mahilig siya sa mga renewable energy na proyekto kaya nabuo niya ang ganitong ideya.
Bukod pa rito, nakilala rin siya sa kanyang paggawa ng mahigit 66 na imbensyon at mga Do-It-Yourself (DIY) na gadgets.
Kaya bilang pasasalamat sa kanyang suporta, kasalukuyan siyang gumagawa ng online tutorial para sa mga taong nagnanais na makakuha ng ideya at bagong matututunan.
“You teach the youth they could do more at such a young age,” sabi ni Casimiro.
Nagbigay siya ng payo sa mga kabataang nahihirapan sa paglikha ng innovation. Sinabi niya na mahalaga ang tapang at lakas ng loob sa pagsisimula ng mga bagong bagay.
“Failure is your best teacher. Don’t be discouraged whenever you encounter failure. Don’t let failures define you because these [will] make you stronger. If a kid could make it, so could you.”
“Start with creating something small then work on something bigger. That’s how you learn and that’s how you get better in your own field.”
Nagpapasalamat si Casimiro sa kanyang mga magulang dahil sa kakaibang suporta na ibinibigay nila sa kanya at sa paggawa niya ng mga bagong bagay.
“They told me I need to work for it. If ever I wanted a phone, kailangan ko kumita out of my own money para makita ko ‘yung essence of money,” sabi niya.
Binahagi niya rin ang kanyang karanasan bago tuluyang nakilala sa larangan ng teknolohiya.
Wala akong sophisticated tools or power tools. I just started with those two.”
Sa ngayon, ang kanyang ultimong proyekto na pinapangarap ay ang pagkakaroon ng research at development na nagbebenta ng Filipino e-jeepneys.
Ibinunyag niya rin ang hinahangad na makita si Elon Musk, ang co-founder at CEO ng Tesla Inc, isang energy storage company.