Ni: Jomar M. San Antonio
ISIPIN mo na lamang kung ang gasolinang ginagamit ng mga sasakyan natin ngayon sa lansangan ay nagmula sa mismong hangin sa ating kapaligiran. Ito ang misyon ng teknolohiyang Direct Air Capture (DAC) na naglalayong gamitin ang carbon dioxide (CO2) sa ating atmosphere upang makagawa ng liquid fuel bilang kapalit sa fossil fuels na numero unong nag-aambag ng air pollution sa ating atmosphere dahilan ng global warming.
Nang magsimula ang rebolusyong industriyal (1780s-1830s ) sa kanluran ay hindi na tumigil sa pagdudulot ng polusyon sa hangin hanggang sa kasalukuyan ang karamihan sa mga industriya sa mundo. Patuloy ang pagsusunog ng fossil fuels upang magamit sa iba’t ibang klase ng pangangailangan tulad ng transportasyon kapalit ang mabilis na pagtaas ng carbon emissions sa ating atmosphere.
ANG “DAC” SA MAS MURANG HALAGA
Sa isang pag-aaral na inilathala ng Joule energy journal nitong Hunyo 2018, nagawa ng Carbon Engineering, isang kumpanya na nag-pakadalubhasa sa teknolohiya ng DAC na makapagtayo ng pasilidad nito na kayang humigop ng isang milyong tonelada ng carbon dioxide sa isang taon sa mas murang halaga.
Positibo si David Keith, founder ng Carbon Engineering sa Canada at isa ring propesor ng Applied Physics sa Harvard University na magagamit ang teknolohiya nila sa mas malakihang operasyon upang makagawa ng langis para sa mga sasakyan tulad ng kotse, truck, at eroplano kumpara sa paggamit ng fossil fuels bilang raw material.
“Until now, research suggested it would cost $600 per ton to remove CO2 from the atmosphere using DAC technology, making it too expensive to be feasible solutions to removing legacy carbon at scale…we now have the data and engineering to prove that DAC can achieve costs below $100 per ton,” ika ni Keith.
Malaki ang pinagkaiba nito kumpara sa tinatayang presyo ng direct air capture technology nang buuin ni Klaus Lackner ng Center for Negative Carbon Emissions sa Arizona State University ang ideya noong 1990s. Ayon pa kay Lachner, nasasabik siya sa potensyal ng bagong technique ng Carbon Engineering. Tunay na magamit ito ng mga pangunahing industriya sa buong mundo sa pagbabawas ng carbon emissions sa kanilang mga siyudad.
ANG “DAC” AT PROSESO NITO
Ang DAC ay may dalawang layunin: Mabawasan ang carbon dioxide sa atmosphere upang labanan ang climate change sa mas murang paraan at ang makagawa ng cost-competitive na paraan sa paggawa ng gasolina, diesel, at jet fuel kung saan hindi na ito magdagdag pa ng CO2 sa kalikasan.
“It’s unlike CO2 capture that’s designed to work from a power plant. We’re capturing CO2 from the atmosphere –that’s what our technology does…the purpose of capturing from the air is that you can make low carbon fuels from renewable power,” ika ni Keith.
Bagamat marami nang commercially-used na renewable energy ang ginagamit ngayon tulad ng solar at wind power upang makapagbigay ng e-nerhiya sa mga komunidad ay hindi pa naman ito nagagamit upang makapagpalipad ng eroplano o makapagpaandar ng truck. Ito ang nais mapunan ng Carbon Engineering gamit ang DAC at renewable energy sa pagproseso nito sa malinis, carbon-neutral at murang paraan.
“You can make gasoline or diesel fuel [via direct air capture] but, of course, they didn’t come from the ground, so the amount of carbon they emit when they burn is just the amount you used making them, so they’re carbon neutral,” dagdag pa niya.
Nagagawa ang bersyon ng kanilang fuel mula sa pagkuha ng carbon dioxide sa atmosphere gamit ang Direct Air Capture technology na pinapaandar ng renewable energy. Matapos nito ay sini-synthesize ang CO2 gamit ang Air to FuelsTM technology ng Carbon Engineering upang makagawa ng transportation fuel na compatible sa mga makina ng sasakyan ngayon. “Our proven technology can provide global-scale quantities of clean synthetic fuels, using inputs of only air, water, and renewable power,” ika ni Keith.
MALAWAK NA SUPORTA
Nakikita mang paraan ang DAC upang mabawasan kahit papaano ang carbon emissions sa hangin ay nangangailangan pa rin ito ng malawakang suporta sa lahat ng klase ng industriya upang magamit.
Malaki ang potensyal ng teknolohiyang ito upang mabago ang paglaban sa global warming. Maaari rin gamitin ang proseso ng teknolohiyang ito upang masubukang bawasan ang epekto ng green-house gases sa mundo sa malinis na paraan
“This isn’t going to save the world from the impacts of climate change, but it’s going to be a big step on the path to a low-carbon economy. I’m reasonably optimistic. The markets for these ultra-low carbon fuels really seem to be there now. California, especially, has a low carbon fuel standard, Canada’s developing a standard but these standards to reward low-carbon fuels are starting.”
Nagsimula ang pag-aaral ng Carbon Engineering noong 2009 at naisakatuparan ang proyekto noong 2015 sa pasilidad nila sa Squamish, British Columbia. Ang kumpanya ay pinopondohan ng ilang ahensya sa ilalim ng gobyerno, sustainability-focused agencies, at mga pribadong investors tulad ng Microsoft na pagmamay-ari ni Bill Gates.