Kung may makakatulong nga sa Pilipinas na masolusyunan ang malaking problema natin sa trapik ay ang bansang Singapore, buti nalang at nakapaglagda na tayo ng isang Memorandum of Understanding (MOU) kamakailan lang sa pamahalaan ng naturang city-statesa posibleng pagbuo ng isang ITS o Intelligent Transport System sa Metro Manila na ginagamit din nilaupangmaiwasan ang paninikip ng kanilang mga kalsada at pagbagal ng daloy ng mga sasakyan.
Kung tutuusin, masmataas pa nga ang dami ng sasakyan na tumatakbo sa kanilang mga kalsada sa bawat kilometro kung ikukumpara sa Metro Manilana umabotng 226 sasakyan/km noon pang 2013.Sa Singapore ang tala ay 281/km sa parehong taon. Ang Singapore ang may pinakamataas na bilang sa buong mundo.Sa Japan ang bilang ay 63/km, France 36/km, UK 77/km, at US sa 38 sasakyan kada kilometro.
Subalit mas nagawa pang solusyunan ng nasabing city-state ang maayos na kalagayan sa kanilang mga kalsada kaya’t tama ang pagkakapili ng bansa na gawing kaakibat ang Singapore sa matagal nang idinadaing na problema ng mga taga-Manila. Hindi lamang ng mga mananakay at mga drayber, kundi lalo nang mga nasa manufacturing industry dahil ang bawat oras na naaksayang nakaipit sa trapik sa EDSA o saan man sa metropolitan ay may kaakibat na kawalan ng kita.
Tinatayang nawawalan ang Pilipinas ng mahigit P2.4 bilyon bawat araw dahil sa trapik.Ngunit kung seryoso ang bansa na mawakasan na ang problemang ito, kinakailangan namaging handa ang lahat sa maaaring mabuo na mga solusyon na makaaapekto sa maraming mga may-ari ng sasakyan, maging ng mga drayber at operator ng mga public transportation—katulad ng mga bus, jeepney, taxi, pati rin mga tricycle at lahat ng sumasakay sa mga ito sa Metro Manila.
Kung titingnan natin ang halimbawa na Singapore, isa sa mga naging matalinong solusyon ng pamahalaan nila bukod sa ITC na isang sopistikadong traffic management and control system, ay ang Electronic Road Pricing (ERP) system kung saan magbabayad ang mga motorista ng kaukulang halaga kung nais nilang dumaan sa partikular na mga kalsada sapanahon ng ‘peak hours’. Natural, iiwas dito ang mga motorista.
Malaking halaga din ang babayaran ng isang mamamayan kung nais niyang magkaroon ng sasakyan.Napakarami niyang babayaran na mga “fees” kabilang na ang Certificate of Entitlement o COE, na maaaring umabot ng tatlong beses sa orihinal na halaga ng sasakyang binili. Kung mas in-demand pa ang tatak at model ng sasakyan, mas lalong tumataas pa ang halaga ng COE.Bukod pa riyan, hindi pa pare-pareho ang bilang ng COE na maaaring ibigay ng pamahalaan taun-taon dahil magdedepende ito kung naaabot na ba ang ‘quota’ng bilang ng mga sasakyan na nabili sa isang taon.
Tandaan na masakit ang mga ito sa mga mamamayan ng Singapore ngunit napatunayang epektibong solusyon sa problema sa trapik na kinaharap din nila noong unang mga taon ng dekada ’70. Kaya’t huwag tayong magtaka na gigising nalang tayo isang araw na maayos na ang lahat at wala tayong naging parte sa solusyon.
Huwag lang sana tayo puro daldal pero mahirap talaga pasunurin sa mga batas at regulasyon ang iba nating mga kababayan.Huwag din sanang hadlangan ng mga nasa transport sector ang anumang magiging mga hakbang ng pamahalaan upang tuluyan nang malunasan ang problema sa trapik.