• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Sunday - January 17, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

CHAMPAIGNE LOPEZ

Pahalagahan ang ating lolo at lola

February 3, 2020 by PINAS

Ang pagmamahal ng ating lolo at lola ay walang katumbas.

 

Ni: CHAMPAIGNE LOPEZ

 

NOONG  tayo ay bata pa, talaga namang masaya ang lumaki na may lolo at lola na siyang tumatayo bilang pangalawa nating mga magulang sa loob ng tahanan.

Makinig sa kanilang payo. Labis ang pagmamahal nila sa kanilang mga apo kaya naman lagi silang may pinapayo sa atin upang hindi tayo mapahamak. Ang mga payo ng ating mga lolo at lola ay dapat nating pahalagahan dahil bukod sa mas nakakatanda sila sa atin ay mas marami rin silang karanasan sa buhay. Huwag natin itong ipasawalang bahala. Dahil ang nais lang naman nila ay mapabuti tayo, wala rin namang mawawala kung tayo ay makikinig at susunod sa kanila.

Bigyan sila ng oras at panahon. Marami sa atin ang busy sa trabaho, pag-aaral o kung ano pa ngunit ang paglalaan ng kahit kaunting oras para sa ating mga lolo at lola ay malaking bagay na para sa kanila. Kaunting kuwentuhan at bonding lamang ay ikasisiya na nila. Ayon sa mga mananaliksik, karaniwan sa mga matatanda ay nagiging matampuhin, malungkutin at maramdamin dahil sa pag-iisa o walang kausap. Kaya naman bigyan natin sila ng panahon dahil ang mga alaala natin sa ating mga lolo at lola ay dadalhin natin hanggang sa tayo ay tumanda na rin.

Lifestyle Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

Mga paraan upang maipagmalaki ng mga magulang

January 15, 2020 by PINAS

Suklian natin ang mga sakripisyo ng ating mga magulang at gumawa ng mga bagay na ikatutuwa nila.

 

NI: CHAMPAIGNE LOPEZ

 

ANG ating mga magulang ay mahalaga sa ating buhay at malapit sa ating puso dahil sa kanilang pagmamahal at mga sakripisyo na walang hinihintay na kapalit. Ngunit sa bawat tulong na ibinibigay nila sa atin, ano nga ba ang magagawa natin upang sila naman ay mapasaya natin? Narito ang mga bagay na maaari mong gawin upang maipagmalaki ka ng iyong mga magulang.

Maging responsable.  Ang pagiging responsable sa lahat ng bagay ay ikinatutuwa ng ating magulang dahil para sa kanila, ito ay nagpapatunay na nagtagumpay sila sa pagpapalaki at pagdidisiplina sa atin. Patunay rin ito na sila ay reponsableng magulang dahil napalaki nila tayo bilang mabuting mga tao.

Gawin lahat ng makakaya.  Lagi mong subukan na maging magaling hindi man sa lahat ng bagay ay sa abot ng iyong makakaya. Kung ikaw ay estudyante, pagbutihin mo ang pag-aaral. Kung ikaw naman ay nagtratrabaho, tulungan mo ang iyong mga magulang sa mga gastuhin at ibigay din sa kanila ang kanilang pangangailangan.

Maging masunurin.  Sa dami ng gawain sa loob ng bahay hindi ito kaya lahat ng ating mga magulang dahil maaring may trabaho rin sila o mahina na at hindi na kaya pang kumilos katulad ng dati. Kaya alamin ang iyong mga responsibilidad at gawin ang mga gawaing bahay. Sumunod din sa kanilang mga utos nang hindi nagrereklamo. Ang pagiging masunurin nating anak ay higit na ikinatutuwa ng ating mga magulang.

Respeto.  Huwag tayo makipag-sagutan sa ating mga magulang. Respetuhin natin sila dahil sila ang nagbigay ng ating buhay. Sila rin ang dahilan kung nasaan man tayo ngayon. Bukod pa rito ay sila ang mas maraming karanasan sa atin kaya sila rin ang mas may alam sa buhay kaya marapat lamang na sila ay galangin at sundin natin.

Lifestyle Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

Mga sikreto sa mahabang buhay 

December 30, 2019 by PINAS

MASAYA ang mabuhay kaya sulitin natin ang bawat segundo at oras natin dito sa mundo.

 

Ni: Champaigne Lopez

 

LAHAT tayo ay may iisang buhay lamang. Kaya ang bawat oras ay dapat nating pahalagahan at gamitin sa makabuluhang bagay. Narito ang ilang paraan upang mabuhay nang matagal at matiwasay.

Maging positibo

Ang pagiging positibo ay makakatulong upang tayo ay mabuhay nang matagal.  Ayon sa mga eksperto, ang taong palaging masaya ay may malaking tiyansa na hindi tamaan ng sakit. Ngunit ang pagtatanim ng mga negatibong damdamin at pakikisama sa mga taong may mabigat na pagdadala ng buhay ay may malaking epekto sa kaisipan at sanhi ng stress na nagreresulta sa kung anu-anong sakit. Kaya hanggat maari ay manatiling positibo at makisama sa mga taong may maaliwalas at magaan na pagtingin sa buhay.

Kumain ng masustansiyang pagkain

Ika-nga, “kumain ng gulay upang humaba ang ating buhay” dahil ito ay napakaraming benipisyo sa ating kalusugan at katawan pati na rin sa ating pag-iisip. At kung tayo ay malusog at malakas ay mas malaki ang tiyansa nating mabuhay nang matagal.

Matulog sa tamang oras

Ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga ay mahalaga rin  sa pagpahaba ng buhay. Dahil ang pagpupuyat o yung kawalan ng tulog o pahinga ay maaring magdulot ng sakit sa utak na maaring ikamatay.

Pag-eehersiyo 

Ang araw-araw na pag e-ehersisyo ay malaking tulong upang sumigla. Kailangan ng katawan ang sapat na pag e-ehersiyo upang lumakas at makaiwas sa pagkakasakit.

Lifestyle Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

Mga pang-regalo sa Pasko na hindi nawawala sa uso

December 22, 2019 by PINAS

Ni: CHAMPAIGNE LOPEZ

PASKO na naman! At labasan na ang mga usapin tungkol sa paborito nating buwan ng taon. Nariyan ang mga tindahan ng mga dekorasyon tulad ng parol, Christmas tree, Christmas lights at iba pa. Hindi rin mawawala ang samu’t- saring mga pagtitipon at sa ganitong okasyon, hindi mawawala ang mga regalo. Kaya narito ang ilan sa mga pang regalo na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa uso.

Hamon. Hilig nating mga Pinoy ang kumain, lalo na tuwing sasapit ang Pasko. Unang araw pa lamang ng Disyembre ay marami na ang naghahanda para sa ihahain nila sa bisperas ng Pasko. Ang hamon ay kadalasang pinangreregalo at pandagdag sa mga handa.

Damit.  Madalas ay ito ang natatanggap natin sa ating mga ninong at ninang bukod sa isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ay hindi pa ito mahirap hanapin dahil kahit saan naman ay puwede kang makabili ng damit; alamin lang ang size ng iyong pagbibigyan upang makasiguro na mapakikinabangan nya ito.

Coffee mug.  Sa bawat monito-monita sa Christmas party ay siguradong may magreregalo ng coffee mug. Bukod sa magagamit ito sa pang araw-araw ay maari mo rin ito palagyan ng design. Maaari mo itong lagyan ng pangalan, quotes o mukha ng paboritong artista ng iyong pagbibigyan.

Wall clock. Ito ay isa rin sa mga madalas na ipangregalo bukod sa mura na ito ay maganda rin pang dekorasyon sa bahay. Tulad din sa coffee mug ay maari mo rin itong palagyan ng disensyo base sa iyong gusto.

Accessories. Usong-uso ngayon ang palamuti sa katawan tulad ng hikaw, kwintas, bracelets, wallet, sumbrero, salamin sa mata at marami pang iba. Kaya naman maganda itong pangregalo sa pasko, dahil bukod sa ito ay mura na ay madali pa itong hanapin.

Picture frame. Bawat isa sa atin ay pinahahalagahan ang mga alaala at sa pamamagitan ng mga litrato ay nasasariwa natin ang nakaraan na tunay na masarap sa pakiramdam.

Ang araw ng Pasko ay araw ng pagbibigayan ngunit huwag din natin kakalimutan na magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin. Tandaan din na hindi nasusukat sa klase ng regalo ang pagbibigay mo ng halaga sa isang tao kundi nasusukat ito sa kung paano mo siya itrato at pagmalasakitan.

Lifestyle Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

5 prutas na may antioxidants at ang epekto nito sa kalusugan

December 22, 2019 by PINAS

MAKINIS at malambot na balat, matatamo sa pagkain ng prutas.

 

NI: CHAMPAIGNE LOPEZ

ANG mga pagkaing may mataas na antioxidants ay nakakatulong upang tayo ay makapag-isip nang maayos, mapaganda ang balat at nakakapagbaba rin ito ng blood pressure. Dahil ang antioxidant ang naglilinis ng dumi sa ating cells na siyang pumipigil sa pagkasira nito ayon pa kay Propesor Lauri Wright ng University of South Florida.

Narito ang ilang halimbawa ng prutas na may mataas na antioxidants:

Blueberries.  Ang Blueberries ay ang nangunguna sa lahat ng prutas na may mataas na antioxidants. Nakakatulong ang pagkain nito upang maiwasan ang pagkakaroon ng kanser, mataas na cholesterol at mga sakit na nakukuha sa pagtanda. Bukod pa dito ay mayroon ding makukuhang vitamins A at C.

Strawberries.  Bukod sa matamis at masarap ang strawberries ay may maganda rin itong dulot sa ating kalusugan. Ang antioxidants na matatagpuan sa strawberries ay nakakatulong upang malabanan ang carcinogens o ang cholesterol na nagdudulot ng sakit sa puso.

Oranges.  Ang citrus na nakukuha sa orange ay naglalaman ng vitamin C na makakatulong sa pagpapalakas ng ating immune system at pumipigil sa pagkasira ng ating cells. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang impeksyon sa tainga.

Mangoes.  Kilala ang Dilaw na Mangga sa taglay nitong vitamin A na siyang nakakatulong upang manatiling healthy at malinaw ang ating mga mata dagdag pa dito ang pagkakaroon ng malambot at makinis na balat.

Grapes.  Ang pagkain ng grapes ay dapat ugaliin dahil ang pulang balat nito ay naglalaman ng antioxidant na tinatawag na resveratrol na siyang nakakatulong upang malabanan ang pagsimula at pagkalat ng kanser sa katawan.

Lifestyle Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

Kahalagahan ng pagtulong sa kapwa

December 3, 2019 by PINAS

ANG pagtulong sa kapwa ay pagibigay daan na rin sa iyong sarili upang maging isang mabuting tao.

 

Ni: CHAMPAIGNE LOPEZ

ANG pagtulong sa kapwa ay bukal sa kalooban at pagpapakita ng pagkukusa, dahil ito ay walang hinihintay na kapalit.

Ang pagtulong sa kapwa ay masarap sa pakiramdam lalo na kung bakas sa mga ngiti ng iyong natulungan ang kanilang pasasalamat at kaligayahan.

Ayon sa isang paniniwala ng mga Chinese, “If you want happiness for an hour, take a nap. If you want happiness for a day, go fishing. If you want happiness for a year, inherit a fortune. If you want happiness for a lifetime, help somebody.”

Ang kaligayahang panghabang buhay ay sa paraan ng pagtulong, dahil sa ganitong paraan, tayo ay magiging positibo sa buhay na makakapagbigay sa atin ng lakas sa araw-araw upang magpatuloy.

Ayon sa isang pag-aaral, ang pagtulong ay hindi lang masarap sa pakiramdam kundi makabubuti rin sa ating kalusugan. Dahil kung tayo ay parating nakakatulong tayo rin ay parating masaya at dahil dito mababawasan ang sanhi ng ating depresyon, nagpapababa ng presyon ng dugo at malaki ang magagawa upang humaba ang ating buhay.

Maraming paraan upang makatulong kahit sa mga maliit na bagay lamang tulad ng simpleng pag ngiti sa ating mga nakakasalubong kahit pa hindi natin ito kakilala. Dahil maaring may pinagdadaanan sila at sa sobrang dami ay limot na nila paano ngumiti kaya’t sa ganitong paraan mapapagaan mo ang kanilang araw.

Maari ka ring mag-volunteer sa mga charities at foundation.  Maari mong i-donate ang iyong mga lumang gamit tulad ng damit at libro na hindi mo na ginagamit upang ito ay mapakinabangan pa ng ibang tao.

Ang simpleng pagbibigay din ng pagkain sa mga pulubi ay malaking tulong pantawid sa kanilang gutom. Sa buong araw nila sa kalsada ay tiyak na kumukulo na ang kanilang sikmura.

Ang pamamahagi ng positibong pananaw sa ibang tao, ay makakatulong upang siya ay makaramdam din ng kaginhawaan at maging maaliwalas ang pananaw sa buhay.

Lifestyle Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.