• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - March 04, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

CHAMPAIGNE LOPEZ

Kahalagahan ng pag-ayos sa sarili 

October 21, 2019 by PINAS

ANG pag-aayos at pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili ay ang susi sa pagiging matagumpay.

 

NI: CHAMPAIGNE LOPEZ

 

ANG pag-aayos sa sarili ay mahalaga, lalo na sa trabaho, eskwelahan at pag-attend ng iba’t-ibang okasyon. Bukod sa kaakit-akit tignan ay nagkakaroon din tayo ng kumpiyansa sa sarili at ayon sa mga eksperto, mas nakakapagtrabaho  tayo nang maayos.

Malaki ang naitutulong ng self-confidence sa atin dahil bunga nito, tayo rin ay nagkakaroon ng tiwala sa ating abilidad at kakayahan. Makakapag-perform tayo nang maayos dahil komportable tayo sa sarili natin, may tiwala at alam natin ang ating  ginagawa.

Malaki ang naitutulong ng pag-aayos ng sarili sa pagtratrabaho lalo na kung nag-aapply pa lamang. Bukod sa kwalipikasyon, malaki ring factor ang itsura dahil kung malinis at maayos kang tignan ay malaki rin ang tiyansa mo na matanggap sa trabahong gusto mong pasukan, lalo na kung ang trabahong ito ay humaharap sa mga tao. Sa katunayan maraming kumpanya ang humahanap ng taong may pleasing personality bukod sa magaling sa pagsasalita nakakadagdag din ang itsura. Bukod dito ay marami ding oportunidad ang bukas sa taong presentable.

Hindi kinakailangang guwapo o maganda ang pinakamahalaga ay ang personalidad na inihaharap sa madla. Laging tandaan, mahalaga ang proper hygiene, pagdadamit nang maayos at naangkop sa okasyon at lugar na paroroonan.

Hindi kinakailangang maging  guwapo o maganda ang isang tao, dapat lamang mag-aayos ng sarili; mahalaga ang  proper hygiene at pagdadamit nang maayos.   At tandaan na higit sa lahat mahalaga kung paano mo tignan ang iyong sarili.

Lifestyle Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

Paano nga ba maiiwasan ang depresyon

October 16, 2019 by PINAS

Ni: Champaigne Lopez

 

MAHALAGA sa ating lahat ang nakaraan, ngunit hindi lahat ng mga bahagi nito ay dapat na manatili sa ating kasalukuyan.

Sa ngayon,  umabot na sa 300 milyong tao sa buong mundo ang nakikipagsapalaran sa depresyon at 2.3 million dito ay mga Pilipino base sa inilabas na pag-aaral ng World Health Organization noong 2018.

Ang Depresyon ay isang seryosong sakit sa pag-iisip kung saan nakakaranas ang isang indibidwal ng matinding kalungkutan, dulot ng pagkawala ng interes sa mga aktibidad na dating nagpapasaya sa kaniya, pakiramdam na palaging pagod at kawalan ng gana kumilos.

 

 IBA PANG TANDA NG DEPRESYON:

-Iritable at mabilis magalit. 

-Hindi makagawa ng sari­ling desisyon. 

-Hirap makapokus o makapag concentrate sa anumang gawain. 

-Mababa ang pagtingin sa sarili. 

-Naiisip ang pagpapakamatay. 

Ang pagkakaroon ng depresyon ay hindi biro at hindi dapat ipagwalang bahala dahil hindi madali ang pinagdadaanan ng  sino mang nakakaranas nito. Sila ay nangangailangan ng tulong, hindi ng panghuhusga at panunukso.

 

PAANO MAKAKATULONG SA  MAY DEPRESYON?

Buksan natin ang ating pag-iisip at intindihin ang kanilang kalagayan. Kung ikaw ay may kakilala na kasalukuyang nakakaranas ng ganitong sakit ay maaa­ring subukan na mag-alay ng sariling serbisyo tulad ng simpleng pakikipagkaibigan, pagsama sa kaniya sa mga lugar na nais nyang puntahan o kahit makipag-kwentuhan lamang at pakinggan ang mga nais nyang sabihin nang sa gayon ay mailabas nya ang mga hinanakit niya, na syang makakatulong upang mabawasan ang stress na nararamdaman isa sa mga pangu­nahing sanhi ng kaniyang depresyon.

Maaring ang depresyon ay dulot ng kamatayan ng kanilang mahal sa buhay, biktima sila ng karahasan, nawalan ng trabaho, nagkahiwalay sa asawa at marami pang iba kaya naman huwag natin silang husgahan.

Magulang ka man, estudyante, katrabaho, kaibigan o kakilala lang, iparamdam pa rin natin sa kanila na hindi sila nag-iisa at ipadama natin na may karamay sila at mayroong maa­ring sandalan.

 

PAANO MAIIWASAN ANG DEPRESYON?

  1. Mag ehersisyo 

Ang pag-ehersisyo ay nakakatulong upang maiwasan ang pag-iisip ng mga negatibong bagay. Napatunayan na rin ng mga espesyalista na habang nagpapawis ang isang tao ay natatanggal din ang negatibong enerhiya sa katawan.

  1. Pagkain nang maayos

Ang nutrisyon sa ating katawan ay mahalaga upang maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon kaya naman ugaliing kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay.

Bawasan ang mga pagkaing may mataas na sugar content, high-fat foods at mga processed foods. Ugaliin din na uminom ng maraming tubig dahil nakakatulong din ito upang maging maayos ang daloy ng dugo.

  1. Pagtulog sa tamang oras

Ayon sa National Sleep Foundation, ang mga taong may insomnia ay mas malaki ang tyansang magkaroon ng depresyon kumpara sa mga taong nakakatulog at nakakapagpahinga nang maayos. Dahil ang taong may sapat na tulog ay may maganda at maayos na takbo ng pag-iisip, physical health at mental health. Dagdag pa ang maganda at makinis na balat.

  1. Bawasan ang paggamit ng cellphone at social media

Ang mga maling impor­masyon na kumakalat sa internet ay maaari rin na maging sanhi ng depresyon. Ugaliin na lamang ang pagba­basa ng mga libro, dyaryo o Bibliya na alam mong siyang makakatulong upang ma­ging masagana at positibo ang iyong pag-iisip.

  1. Piliin ang kaibigan

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiintindihan tayo ng ibang tao, hindi rin sa lahat ng oras ay kaya natin silang pakiusapan, kaya naman piliin natin ang ating kaibigan na alam nating makakatulong para mapabuti tayo.

Umiwas sa mga negatibong tao na puro husga at insulto ang ibinibigay sa iyo. Makisalamuha sa mga positibong tao dahil malaki ang maitutulong ng mga tamang tao sa ating paligid kaya doon tayo sa mga taong handa ta­yong intindihin at tulungan.

  1. Komunsulta sa eksperto

Huwag ipasawalang bahala ang pagkakaroon ng depresyon, kung sa tingin mo ay may sintomas ka na ng depresyon ay huwag nang magdalawang isip na komun­sulta sa mga espesyalista nang sa gayon ay hindi na ito lumala pa.

Iilan lamang ito sa mga maaring gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon, ngunit tandaan na bukod sa lahat ng nabanggit, ikaw pa rin ang siyang makakatulong sa iyong sarili. Lahat ay nagsisimula sa ating mga desisyon at sa kung paano tayo mag-isip.

Kaya naman simulan mo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, maniwala ka na kung kaya ng iba ay magagawa mo rin. Madalas banggitin ng mga taong may depresyon ang mga salitang “wala akong kuwenta” ngunit walang nilikha ang Diyos na walang kuwenta, kahit nga ang mga bato o maski ang mga alikabok ay may dahilan kung bakit nandito sa mundo, ikaw pa kaya na siyang anak ng Diyos? Minsan sa buhay kailangan natin ma­ging matatag. Kahit sobrang nakakapagod, nakakawalang gana at nakakaubos ng pasensya, piliin pa rin nating maging masaya.

Tanggapin natin na hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay at ayos lang na minsan tayo ay madapa, matalo o maligaw dahil parte ito ng buhay at lahat ng tao ay nakakaranas nito. May dahilan ang mga bagay na nangyayari sa mundo at ang mga problemang nararanasan natin ay ang siyang makakapagpalakas sa atin bilang indibidwal.

Tayo ang pipili kung anong klaseng buhay ang nais natin kaya huwag tayong susuko hanggang sa maabot natin ang inaasam nating kaligayahan at tagumpay.

 

Feature Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ World Health Organization

Masamang epekto ng labis na pagkain ng matatamis

October 15, 2019 by PINAS

 

NI: CHAMPAIGNE LOPEZ

 

TALAGA nga namang hilig nating mga Pilipino ang pagkain ng matatamis, mula pa lang sa pagkain ng taho sa umaga hanggang sa pagkain ng matatamis na meryenda. Talagang hindi mawawala sa isang buong araw natin.

Maraming pag-aaral ang nagpatunay na ang sobrang pagkain ng matatamis ay nakakasama sa kalusugan at maari pa itong maging sanhi ng iba’t-ibang sakit.

 

Diabetes

Ang sakit na diabetes ay ang pangunahing sakit na nakukuha sa pagkain ng matatamis. Ang sakit na ito ay nakakamatay dahil nakakaapekto ito sa pagkontrol ng lebel ng asukal sa dugo ng tao.

Kanser

Ang labis-labis na pagdami ng cells sa ating katawan ay sakit na tinatawag na kanser. At kung mataas ang lebel ng asukal sa ating katawan ay mataas din ang posibilidad ng pagkakaroon natin ng kanser. Maari itong maging bukol o tumor sa ating katawan.

 

Obesity

Ang sobrang pagkain ng matatamis ay nakakadagdag ng taba na naiimbak lamang sa katawan at kapag dumami ang taba na naiiwan sa katawan ay maaring lumaki at bumigat ang pangangatawan dulot ng sobrang timbang.

 

Hyperactivity

Masama lalo na sa mga bata ang sobrang pagkonsumo ng asukal gaya ng mga kendi, cakes, ice cream at iba pa. Dahil sa mabilis makapasok sa bloodstream o dugo ang asukal kaya mabilis din ang pagbabago ng blood sugar level na nagreresulta sa hyperactivity.

 

Pagiging emosyonal o mood disorders 

Isa pa sa hindi natin alam na ang pagkain ng mataas na lebel ng asukal ay nagreresulta rin sa mood disorders, depression at iba pang chronic health issues.

Kaya, bago pa man mahuli ang lahat ay iwasan na ang labis na pagkonsumo ng asukal o ng matatamis na pagkain. Hindi naman masama ang pagkain ng matatamis, huwag lamang sosobra sa tama.

 

Lifestyle Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

Pagkakaroon ng tunay na kaibigan

October 15, 2019 by PINAS

 

ANG tunay na kaibigan ay nagtatagal magpakailanman.

 

NI: CHAMPAIGNE LOPEZ

 

MARAMING klase ng kaibigan, may mga kaibigan na nariyan na handang tumulong sa iyo sa ano mang bagay o sitwasyon, may mga kaibigan na itinuturing mong pamilya, may mga kaibigan na kahit malayo ay ramdam pa rin na kayo ay magkasama, at may mga kaibigan din na nagtatagal hanggang sa iyong pagtanda.

Mahalaga ang pagpili natin ng tamang kaibigan, lalo na sa panahon ngayon na kaliwa’t kanan na ang mga mapagsamantalang tao. Nariyan ang mga taong tatratuhin kang kaibigan sa simula ngunit pagdating ng panahon ay sisiraan ka lang din pala. Nariyan din ang mapagkunwaring kaibigan na aabusuhin ka at gagamitin sa sarili niyang kapakanan, at kapag dumating sa panahon na wala na siyang kailangan sa iyo ay kakalimutan ka na niya na parang wala kayong pinagsamahan. Kaya naman dapat nating piliin ang ating kakaibiganin.

Ang mga taong sa tingin mo ay hindi tunay na kaibigan ang turing sa iyo ay dapat lamang na iwasan dahil hindi ito makakatulong para sa iyong pag-unlad. Ang tunay na kaibigan ay sasabayan ka sa pagtaas hindi yung taong hihilain ka pababa. Piliin ang magiging kaibigan dahil kung sino ang kaibigan mo ay siya ring magiging pagkakakilanlan ng ibang tao sa iyo.

Tandaan din na hindi ang dami ng kaibigan ang mahalaga kundi ang pagkakaroon ng mga kaibigang totoo sa iyo at tapat at hindi ka iiwanan anuman ang mangyari.

 

Lifestyle Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

ANG MAKAPIGIL HININGANG GANDA NG MALAPASCUA ISLAND

September 24, 2019 by PINAS

LARAWAN na ipinapakita kung gaano kagaan sa pakiramdam ang Malapascua Island dahil sa natural at natatangi nitong ganda.

 

Ni: Champaigne Lopez

OOPS! Tama na muna ang kakatrabaho! Hinay-hinay lang at baka hindi na gumalaw. Magpahinga, mag-refresh at mag travel. Deserve mo ‘to. Kaya, tara na sa South.

Nais mo ba na mag move-on? Gusto mo bang lumayo sa syudad na puro ingay at polusyon? O gusto mo lang magpahinga at makakita ng magandang tanawin? Pwes, kung ito ang hanap mo, tiyak masusulit ang bakasyon mo sa Malapascua Island.

Ang Malapascua ay matatagpuan sa hilagang parte ng Cebu. Kilala ang isla na ito dahil sa Monad Shoal Dive Site kung saan madalas makita ang mga malulusog na pating na siya ngayong main attraction doon.

 

MALINIS at puting buhangin ang unang bubungad saiyo pagdating mo ng Malapascua Island.

 

Ang Malapascua ay isa sa maliliit na isla sa buong Pilipinas at dahil sa maliit lang ito ay mas napapangalagaan ito ng mga taga roon kaya buhay na buhay ang mga isda at mga coral  sa dagat. Napapasama rin ang Malapascua Island sa mga islang may malinis na puting buhangin at kakaibang rock formation.

Mga dapat gawin sa isla 

  •   Lumangoy at ikutin ang buong isala. Sulitin ang pagpasyal sa paligid at mag unli-selfie kahit saan. Isuot na ang inyong pinaghandaang ootds o swimwear at magpakababad sa dagat. May mga cove din na matatagpuan dito na maaring pasukin.

 

  •  Mag snorkel at libutin ang mga isla. Huwag palampasin ang kagandahan sa ilalim ng dagat at mag-island hopping nang makita ang iba pang makapigil hiningang ganda ng iba pang isla. Ang boat rental para sa island hopping na may kasamang snorkeling ay nagkakahalaga ng P1,200 para sa isa o dalawang tao. P1,500 naman para sa grupo ng apat o lima.

 

  • Diving. Kilalang diving site ang Malapascua kaya’t huwag na magpahuli at subukan na rin ito. Maraming resorts sa isla kung saan maaaring mag-dive tulad sa Thresher Cove resort, Ocean Vida dive resort at Little Mermaid dive resort.

 

  • Cliff diving. Harapin ang iyong takot at subukan na ito sa Malapascua Island at siguradong hindi mo ito malilimutan. Ngunit siguraduhin na may kasama na propesyonal o marunong lumangoy upang maiwasan ang ano mang disgrasya na maaring mangyari.

 

  • Panoorin ang sunrise at sunset. Isa ang Malapascua sa may pinakamagandang spot para panoorin ang paglitaw at paglubog ng araw. Siguradong malilimutan mo ang iyong mga problema.

Saan maaaring tumira sa isla? 

Kung napagod ka sa mga ginawa mo sa isla ay tiyak makakagpahinga ka sa mga room/hotel na maaaring rentahan sa Malapascua Island gaya ng:

  • Malapascua Garden Resort — Logon Village, Daanbantayan
  • Thresher Cove Resort — Logon Village
  • Slam’s Garden Resort — Logon, Daanbantayan
  • Hippocampus Beach Resort — Bounty Beach, Logon
  • Blue Corals Beach Resort — Logon, Daan-Bantayan

 

Mga kainan sa isala 

May kamahalan ang mga pagkain sa isla dahil sa ito ay sikat na tourist destination at madalas mga foreigners ang kumakain dito. Ngunit may mga restaurants naman na kaya pa rin ng budget.

  • Ging-Ging’s Restaurant — Sa halagang P100 matitikman mo na ang kanilang main dish.
  • Ocean Vida Restaurant — Bukas simula 7:30 ng umaga hanggang 11 ng gabi. Mayroon silang Asian at European Food.
  • Magellan’s Bar and Restaurant — Sikat sa kanilang barbeque at seafood na mabibili mula sa P250 pataas.

 

Paano pumunta sa isla?  

  • Magbook ng flight sa Mactan International Airport sa Cebu City. Ang Cebu Pacific, Philippine Air Asia at Philippine Airlines ay may daily trips papuntang Cebu at aabot ng 50 minutes ang oras ng biyahe.
  • Kumuha ng taxi mula sa airport papuntang North Bus Terminal; 20-30 minuto biyahe.
  • Galing sa Cebu City North Terminal, sumakay ng Ceres Bus papuntang Maya Port sa Daanbantayan. Aabot sa apat hanggang limang oras ang biyahe.
  • Sumakay ng bangka mula sa Maya port papuntang Malapascua. Alas siyete ng umaga ang unang biyahe na aabutin lamang ng isang oras.
  • Simula Malapascua ay maari kang maglakad o maghabal-habal papunta sa iyong pinareserve na resort.

 

Mga dapat tandaan 

  • Siguraduhin na may dalang sapat na cash dahil walang ATM na malapit sa isla at magkaroon ng budget plan upang hindi maubusan ng pera.
  • Ang mga plastik straw ay ipinagbabawal sa isla kaya’t maging reponsable sa mga basura at itapon ito sa tamang basurahan.
  • Huwag mag-uwi ng buhangin.
  • Magdala ng dry bag at protektahan ang mga gadgets upang hindi ito mabasa at masira.
  • Planuhin nang maiigi ang buong bakasyon, mag-set ng itinerary at policies kung marami kayo upang maiwasan ang ano mang disgrasya.
  • Mag-dasal bago umalis at bago umuwi at higit sa lahat mag-enjoy!

Environment Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

Positibong pag-iisip, nakapagpapabuti ng kalusugan!

September 18, 2019 by PINAS

ANG pagiging positibo ay hindi lang nakakaganda ng ating kalusugan kundi pati na rin ang ating pisikal na kaanyunan.

Ni: Champaigne Lopez

 

SA ATING bansa kung saan laganap ngayon ang pagkakaroon ng depresyon, ang pagiging positibo ay siyang tiyak na makakatulong upang maiwasan ang ganitong klase ng sakit. Bukod dito ay marami pang benepisyo ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip.

 

Narito ang ilan sa mga dapat gawin at tandaan upang maging maganda ang kalusugan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip.

 

  1. Magbasa ng mga positibong impormasyon. Mahalaga ang bawat salitang lumalabas sa ating mga bibig, gayun din ang ating kinikilos ngunit higit na mas mahalaga kung paano tayo mag-isip. Ugaliing magbasa ng mga positibong impormasyon.  Magbasa mula sa mga libro, internet, textbooks etc. Sanayin ang sarili sa ganito nang sa gayon ay masanay din sa pagbibigkas ng mga positibong salita.  Makakatulong ito upang mabago ang pag-iisip at malayo sa mga negatibong impormasyon dahil ang tanging focus mo lamang ay mga positibong impormasyon.
  2. Makihalubilo sa mga positibong tao. Lumayo tayo sa mga negatibong tao at makihalubilo sa mga positibong tao dahil sila ang makakatulong sa atin upang maging positibo rin. Kung mahalaga ang salita, kilos at pag-iisip dapat din natin tandaan na mahalaga rin ang ating ginagalawan at mga taong nakapaligid sa atin. Mula sa kanilang mga salita at sa kung paano sila mag-isip ay ma-absorb natin ito na syang maisasagawa at maisasabuhay natin para sa ating sarili.
  3. Magsulat ng mga positibong nangyari sa iyo buong araw.  Kung malaki ang naitutulong ng ibang tao para sa pagkakaroon mo ng positibong pag-iisip tiyak na mas higit mong matutulungan ang iyong sarili. Simulan sa pagsusulat ng mga positibong nangyari sa iyo sa buong araw, isulat ito sa notebook at basahin ang mga ito pagkatapos ng isang linggo at gawin mong muli. Makatutulong ito upang mapabuti ang iyong mood. Maari mo rin itong basahin sa mga kaibigan mo at hawaan mo rin sila ng pagiging positibo!

 

 

Ang kapangyarihan ng pagiging positibo ay maaring makaiwas ng sakit, katulad ng kanser, sakit sa damdamin o sa puso. Maari rin na ma-motivate mo ang sarili mo upang matupad ang mga pangarap sa buhay. Dagdag pa dito ang pagkakaroon ng mahabang buhay sa pagiging positibo. Ayon sa mga artikulo sa Huffington Post, sinasabi na ang mga taong may positibong pag-iisip ay mabubuhay nang mas matagal kumpara sa mga negatibong tao. Kaya kung may pinagdadaanan ka man ngayon ay huwag mag-alala dahil lahat ng nangyayari sa atin ay hindi permanente, lahat ng problema ay may hangganan kaya lumaban lang dahil ang tagumpay at kasiyahan ay nasa ating mga kamay. Manatili tayong positibo.

 

 

 

Buhay Slider Ticker CHAMPAIGNE LOPEZ

  • « Previous Page
  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.