ITINALAGA bilang mga Deputy Chef de Mission ang mga beteranong atleta na sina Ada Milby ng rugby at Stephen Fernandez ng taekwondo para makasama ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Chef de Mission William “Butch” Ramirez.
Makakatuwang ng dalawang atleta para sa paghahanda sa hosting ng 30th Sea Game sina PSC Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin, Charles Maxey at Ramon Fernandez.
Sila ang magmamando sa tatlong main clusters sa SEAG na gaganapin sa Subic, Clark at Manila kasama ng iba pang mga venues sa Batangas, Cavite, La Union at Bulacan.
Una nang nailuklok sa puwesto bilang DCDM ang mga commissioners na sina Fernandez, Maxey at Agustin at Kiram noong Mayo.