Stephanie Macayan
ISANG dokyumentaryo ang isinagawa ni Cherry Pie Pichache tungkol sa hirap ng dinanas nila noong pinaslang ang kaniyang ina na si Zenaida Sison limang taon na ang nakalilipas.
Ipinalabas ang dokyumentaryo noong ika-7 ng Hulyo ngayong taon at inamin din ni Cherry Pie na muntik nang hindi matuloy ang dokyumentaryo dahil sa emosyong dala nito sa kaniya dahil bumabalik ang alaala niya sa bawa’t pangyayari noon.
“Kasi talaga noong una, I was hesitant and scared. I was really scared to open up ‘yung story namin this way, and to open up what I was going through this way. Ngayon parang medyo relieved ako, getting all the reactions from people.”
Naging mahirap man para kay Cherry Pie ang paggawa nito at ito naman ay kanyang kinaya. Ano naman kaya ang naging saloobin ng pamilya niya tungkol sa dokyumentaryong ito lalo na’t maselang usapin ito ng kanilang Ina?
“Well it’s unfortunate that my two ates are not here because they are in the States. They haven’t had the chance to see it. Magkakaiba kasi eh. And my brother, after watching the docu, hopefully changes his mind. Kasi he mentioned nga na iba siya, iba ako.”
Pagpapatawad sa killer ng ina
Karamihan ng tao ay hindi madaling matatanggap ang mga ganitong issue lalo na kung ang mahal sa buhay ang nawala. Ano nga ba ang nag udyok kay Cherry Pie na patawarin ang killer ng kaniyang ina na si Michael Flores?
“’Di ba ‘yung mawawalan ka ng magulang, ang sakit na? Kapag naaalala mo pa na ganoon ang way, she doesn’t deserve it. Paano ka hihingi ng tawad kung hindi ka magpapatawad?”
“Iba rin talaga ang Diyos,”
“You talk about forgiveness, you talk about… Kasi anti-death penalty ako, e. But now, iniisip mo, ‘What drives people to commit all this violence?’ Lahat iyon ma-pu-put to the test sa ’yo in times like this.”
“When we say Our Father, Our Father, kapag may nangyari sa iyo lahat talaga ng words mo talagang you really mean it. So doon ako natauhan sa, ‘forgive us our sins as we forgive others.’ Parang oo nga naman.
“I just hope that we can all be reminded of love, of compassion, of forgiveness. I hope we can all be reminded of ‘yung caring for other human beings and taking action.
“So you know, I’m hoping ‘yung care natin for other human beings is awakened. For us to always come from a place of love rather than ‘yung bawian kaagad, manlaban kaagad, gumanti kaagad.” pahayag niya sa screening ng dokyumentaryo.
Radical Love documentary
Sa dokyumentaryong ito makikita ang kauna-unahang pagkikita ni Cherry Pie at killer ng kaniyang ina at doon naging emosyonal siya pati na rin si Michael Flores ay makikita din na emosyonal na.
Makikita din dito kung paano siya naghanda sa araw ng pagkikita nila na kung gaano kahirap sa kanya na matanggap ang trahedyang nangyari sa kaniya at pamilya niya.
Mapapanood din kung ano ang sinabi ni Michael Flores kay Cherry Pie at kung ano ang naging sagot nito sa kanya.
“Yun po ang lagi kong dinadasal eh, na makuha niyo po akong patawarin,” sabi ni Michael.
“Kahit pinatawad na kita, kailangan mo pa rin ituloy ‘yung consequence ng ginawa mo,” sagot ni Cherry Pie sa isang interbyu ng ABS-CBN.
Limang taon na ang nakalipas at sa wakas ay nabawasan na ang bigat ng kaloobang dinadala nito.