TJ BUMANLAG
ISA na namang 14 anyos na babae, ang nasawi kamakailan matapos bakunahan umano ng Dengvaxia sa isang ospital sa Caloocan City.
Ang biktima ay kinilala na si Noreen Martinez Labrage 14 anyos alyas Potpot, estudyante at nasa grade 10.
Ayon sa nanay ng biktima na si Zenaida Martinez Pardinan, Setyembre 2 nang maadmit ito sa ospital dahil sa pamumutla , ng katawan. Sa isinagawang pagsusuri ng mga doktor sa ospital mababa raw umano ang plate ng dugo nito at sinasabing leukemia.
Hangang sa nagpabalik balik na sa ospital si Potpot, dahil sa hindi nakayanan ay bumigay ang katawan ng biktima.
Sa kagustuhan ng ina ng biktima na lumapit ito sa tanggapan ng hepe ng PAO na si Chief PAO Atty. Persida Acosta upang tulungan siya na isailalim sa autopsy ang kanyang anak at masuri at malaman ang ikinamatay ng bata.
Lumalabas na 2017 nabakunahan ng dalawang beses si Noreen ng Dengvaxia, at 2019 ng Setyembre ay nagsimula na magkasakit ang biktima hangang sa Disyembre 26 ay tuluyan na itong bumigay.