HANNAH JANE SANCHO
AGAD na nagpadala ng tulong ang mga volunteers ng Children’s Joy Foundation Inc., katuwang ang Sonshine Philippines Movement at Sonshine Media Network International sa mga nasalanta at pansamantalang nakatira sa Sto. Tomas North Central Elementary school.
Daan-daan ang pumila sa mga balde na naglalaman ng mga relief goods gaya ng bigas, canned goods, noodles, biscocho, biscuit, bihon, kape at gatas.
Nagbigay rin ng tig isang 5 gallon water at isang case na naglalaman ng 24 bottles mg 500ml mineral water kada tao.
Bukod dito ay nagbigay din ng beddings, blanket at personal hygiene kits, at hot meals para sa lahat ng tao na nasa evacuation site.
Ang Children’s Joy Foundation at Sonshine Philippines Movement ay itinatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isang kilalang philantrophist dahil sa mga humanitarian activities nito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Matatandaang noong nakaraang taon ay nagpadala din ng agarang tulong ang naturang mga grupo sa mga biktima ng magnitude 6 na lindol sa Cotabato.