Ni: Eyesha N. Endar
MARAMING mayayamang tao sa mundong ito, maimpluwensya at may kakayahang tumulong sa iba, ngunit bihira lang ang nagbibigay na walang hinihinging kapalit tulad ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Kilala si Pastor Apollo bilang Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name at may-ari ng Sonshine Media Network International (SMNI) na binubuo ng telebisyon, radyo at pahayagan.
Maituturing na mayaman at napakalaki ng kongregasyong pinamamahalaan ni Pastor Apollo dahil naabot na nito ang 200 na mga bansa at mahigit 2000 na mga syudad sa pitong kontinente ng mundo at mayroong mahigit 6.5 na milyon na mga miyembro na tinatawag na Kingdom Citizens.
Walang anumang kondisyon sa pagsunod sa kalooban ng Ama
Matatandaang itinatag ang kongregasyong ito noong Setyembre 1, 1985 at mayroon lamang 15 miyembro ngunit matagumpay itong napalago ni Pastor Apollo sa loob lamang ng tatlong dekada.
Ayon kay Pastor Apollo, walang ibang ipinangako sa kanya ang Diyos noon kundi ang pagpalain siya kahit saan man siya magpunta.
Ani Pastor, nang tinalikuran niya ang kanyang da-ting buhay upang sundin ang kalooban ng Diyos ng buong buo, hindi importante sa ka-nya kung anong klaseng buhay ang kanyang tatahakin, titira man siya sa maliit na bahay o malaki, magkaroon man siya ng maraming pera o hindi, tatalikuran man siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan basta’t alam umano niyang nasa kalooban siya ng Ama.
Maraming nagmamahal at humahanga kay Pastor Apollo
Aniya, noong mga panahong naramdaman niyang iniwan na siya ng Diyos, sinabi niya na sa kanyang sarili na kung mamamatay man siya, mamamatay siyang sumusunod sa kalooban ng Diyos.
Ngunit ibinigay sa kanya ng Diyos ang higit pa sa ka-nyang inaasahan dahil bukod sa mga pinansyal na pagpapala sa bawat pagsubok na naranasan ni Pastor, higit niyang napatunayan na napakaraming taong nagmamahal sa kanya.
Napakaraming kaibigan ni Pastor Apollo, sa mundo ng show business, negosyo at maging sa pulitika, ngunit kailanman hindi ginamit ni Pastor Apollo ang kanyang impluwensya para sa sariling interest dahil ang kanyang prinsipyo at paninindigan ay nakatuon sa paggawa sa kalooban ng Diyos sa ka-nyang buhay.
Lubos lubos naman ang pagpapasalamat ng mga Kingdom Citizens kay Pastor Apollo dahil para sa kanila walang katulad ang kanilang Pastor.
Ang mga ginagawa umano ni Pastor Apollo na pagtulong sa mga nangangaila-ngan lalung lalo na sa mga kabataan ay hindi mapantayan ng sinumang mayaman at maimpluwensyang tao sa mundong ito kahit ng mga pinagkakatiwalaan nating mga pinuno ng ating bayan.
“Walang katulad si Pastor Apollo, siya ang nagturo sa amin kung paano ang maging mabuti, marangal, at mamuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos” ayon pa sa mga Kingdom Citizens.
Pag-aaruga sa mga bata at kapaligiran
Lalo umano silang huma-nga kay Pastor Apollo nang ginawa nitong kaarawan ng lahat ng mga bata sa mundo ang kanyang kaarawan, tuwing April 25 kada taon, upang mabigyan ng walang katulad na kasiyahan ang mga bata.
Bukod dito sinigurado rin ni Pastor Apollo na may maayos na matitirhan ang mga mahihirap na mga bata sa pamamagitan ng Children’s Joy Foundation Incorporated (CJFI).
Ito ang naging kanlungan ng mga bata upang lumaki silang may pamilya at punong puno ng pagmamahal at hindi lang ito dito sa Pilipinas kundi abot nito maging sa ibang bansa.
Nagpatayo rin ng mga eskwelahan si Pastor Apollo. Ilan sa mga ito ang Tamayong National High School, (Jose T. Quiboloy Sr. National High School) sa Brgy. Tamayong Calinan, Davao City at Jose Maria College sa Phil-Japan Friendship Highway, Sasa, Davao City, upang masigurado na may maayos at dekalidad na edukasyon ang mga kabataan.
Hindi rin natatapos ang taon nang hindi nag-iikot ang CJFI sa ibat-ibang bahagi ng bansa upang magpakain at mamigay ng regalo sa kapwa nila mga bata.
Milyon milyon ang mga kabataang binihisan, pinakain at tinulungan ni Pastor Apollo at hindi matatapos ang pagtulong ni Pastor Apollo dahil patuloy niya itong gagawin hanggang sa wala na siyang mga batang makikitang umiiyak dahil walang mag-aaruga at matitirhan.
Ayon pa kay Pastor Apollo, sinabi niya sa kanyang sarili noon na kung pagpapalain siya ng Diyos, gagawin niya ang lahat upang tulungan ang mga bata lalung lalo na ang mga mahihirap at pinabayaan ng mga magulang.
Naniniwala si Pastor na kung mapapakitaan mo ng kabutihan ang isang bata, ang nasabing kabutihan ay mananatili sa puso ng bata at ito ang maging daan upang maging mabuti siyang mamamayan.
Sa pamamagitan naman ng Sonshine Philippines Movement (SPM) naisakatuparan din ni Pastor Apollo ang pag-aalaga sa Inang Kalikasan.
Hindi napapagod ang mga volunteer ng SPM sa pagtatanim ng mga puno sa mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang maibalik ang dating ganda ng kalikasan.
Unconditional love ng butihing Pastor
Ayon pa sa mga Kingdom Citizen, kailanman hindi mapapantayan ng kahit na sino ang pagmamahal na ibinibi-gay ni Pastor Apollo para sa lahat dahil hindi lang nito iniisip kung ano ang makabubuti sa kanyang kongregasyon kundi kung paano mailigtas ang mga tao sa lahat ng uri ng kapahamakan.
Kay Pastor Apollo umano makikita at mararamdaman ang totoong ‘unconditional love’ dahil tanging ang taong nagmamahal ng walang hinihintay na kapalit lang ang makakagawa sa ginagawa nito.
Naniniwala si Pastor Apollo na tunay na pag-ibig ang kailangan ng mundo upang maipagbuklod buklod ang lahat ng tao at malalaman ang tunay na kuhulugan ng pagtulong at pagbibigay.
Ika nga, pwede kang magbigay ng walang pag-ibig ngunit di ka pwedeng umibig nang hindi nagbibigay.