Ni: Quincy Cahilig
SA gitna ng lumalalang tension sa Middle East, binatikos ng China ang United States sa paggamit nito ng pwersa at hinikayat ang lahat ng partido na huminahon at resolbahin ang mga hidwaan sa mapayapang paraan.
“Power politics are neither popular nor sustainable,” sabi ni Chinese foreign ministry spokesman Geng Shuang. “The US’s risky military behavior in recent days goes against the basic norms of international relations.”
Nanawagan din ang opisyal na huwag sanang abusuhin ng US ang paggamit ng pwersa.
Kamakailan ay naglunsad ng drone strike ang US na pumatay kay Iranian military commander Qassem Soleimani, na nagpalala ng sigalot sa pagitan ng Washington at Tehran.
Nangako naman ang Iran na ipaghihiganti ang pagkamatay ni Soleimani. Di naman nagpadaig si US President Donald Trump, na nagbanta na gagantihan ang anumang pag-atake sa American citizens at assets.
Pinuna rin ng China ang US sa pagbabanta na papatawan ng sanctions ang Iraq dahil sa resolution na ipinasa ng Iraqi parliament na nagpapalayas sa US military troops mula sa kanilang bansa.
“China has consistently opposed the wanton use or threat or use of sanctions, We wish that relevant countries, particularly major countries outside the region, can do more to promote the Middle East region’s peace and security, and avoid taking actions that escalate regional tensions,” wika ni Geng.