Ni: Vick Aquino Tanes
alam n’yo ba na may taglay ding benepisyo para sa katawan ang pagkain ng chocolates na karaniwang ibinibigay tuwing araw ng mga puso?
Ayon sa mga pag-aaral, ang chocolates, lalo na ang dark chocolates ay maganda para sa ating mga puso.
Ang mga taong kumakain ng mas maraming dark chocolates ay nababawasan ng dalawampu’t siyam na porsyento sa tsansa ng pagkakaroon ng stroke.
Mas marami kasing taglay na anti-oxidants ang dark chocolates kumpara sa milk chocolates.
Nakatutulong pa ito sa pagpapababa ng blood pressure at sa pag-iwas sa type 2 diabetes.
Pagkain lamang ng dahandahan ang kailangan at hindi ang palagiang pagkain nito dahil ang pagkain ng sobra ay nakasasama rin.