HANNAH JANE SANCHO
HINIRANG na best Non- Government Organization ng Department of Social Welfare and Development ang Children’s Joy Foundation (CJFI) dahil sa malaking tulong na hatid nito sa mga programa ng pamahalaan.
Isang biyaya para sa ahensya ang ugnayan nila sa CJFI bilang kaagapay sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga mahihirap lalo na ang mga kapus-palad na kabataan sa buong bansa.
Kaya naman ay kinilala sa katatapos lamang na 2019 Pa Nata ko sa Bayan Awards ang Children’s Joy Foundation Inc. at ginawaran ng Salamat po Award bilang natatanging social development welfare partner ng tanggapan.
Personal na tinanggap nina CJFI Former Executive Director Ms. Rosemarie Dimagnaong, at ni CJFI Director Mr. Riene Tagupa ang award mula sa DSWD, kasabay ng pagpapasalamat kay CJFI Founder Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa walang hanggan nitong pagtulong at pag-ibig sa mga kabataan.
Dahil sa award, tiniyak ng pamunan ng CJFI ang mas maigting pang pakikipag-ugnayan nito sa mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng DSWD.
Mahigit sa 20 taon nang nagbibigay kalinga sa mga kabataang nangangailangan ang CJFI at isa sa mga respetado at highly regarded Social Welfare and Development Agencies (SWDAs) sa bansa.
Hindi lamang ang pagpapakain, pagpapa-aral, kundi lalo na ang moral and spiritual values ang itinuturo ng CJFI sa mga children beneficiaries nito sa ilalim ng superbisyon ni Pastor Apollo.
Dahil sa award, tiniyak ng pamunan ng CJFI ang mas maigting pang pakikipag-ugnayan nito sa mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng DSWD.