MELODY NUÑEZ
NAKATANGGAP ang nasa 150 kabataan ng maagang pamasko mula sa Davao City Police Office o DCPO sa kanilang annual gift-giving na may temang “Pamaskong Handog Alay sa Kabataan 2019.”
Pinangunahan ni dating DCPO Chief, Col. Alexander Tagum ang gift-giving katulong na rin ang iba pang stakeholders.
Sa naging mensahe ni Vice Mayor Sebastian Duterte, sinabi nito na ang gift-giving ngayong Christmas season ay sumasalamin sa kahulugan ng pasko – ang pakikipag-bonding kasama ang pamilya, pasasalamat at pamamahagi dahil ito ang panahon para magpakita ng pagmamahal at kahabagan sa iba.
Hinimok din ni Baste ang DCPO na ipagpatuloy ang pagiging mapagbigay at maunawain kahit na matapos pa ang pasko.
Sa naging Christmas Party, nakatanggap ang mga bata ng food packs at stuffed toys at inaliw din ang mga ito ng mascots.
Siniguro naman ng bise-alkalde na ipagpapatuloy ng lokal na gobyerno ng Davao City ang pagsuporta at gagawin nila ang lahat upang maiparamdam ang selebrasyon ng pasko sa lahat lalong lalo na sa mga residente nilang salat sa buhay.