CHERRY LIGHT
HINIKAYAT ng Department of Foreign Affairs-Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS) ang nasa higit kalahating milyong overseas voters na muling magparehistro.
Ito ay matapos ipaalam ng Commission on Elections sa DFA-OVS ang pag-deactivate sa registration sa halos 578,185 na overseas voters dahil sa hindi pagboto noong 2016 at 2019 national at local elections.
Ayon sa DFA-OVS, dapat muling magparehistro ang mga ito kung nais nilang bumoto sa 2022 presidential elections.
Maaaring magparehistro ang mga OFW sa anumang embahada ng Pilipinas, Consulate General, mission, o Manila Economic and Cultural Office (MECO), at Overseas Voter Registration Centers na itinalaga ng COMELEC.