MELODY NUÑEZ
PANG-i-espiya ang isa sa nakikitang motibo ng AFP Western Mindanao Command sa pagdaan ng Chinese warships sa territorial water ng Pilipinas nang walang paalam.
Ayon kay Western Mindanao Command (WesMinCom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, na kahit hindi nagpapakita ng pagka agresibo ang mga Chinese warship sa pagpasok nito sa teritoryo ng Pilipinas ay may mga hinala parin sila sa mutibo ng mga ito.
Dagdag ni Sobejana, na pinapatay nila ang kanilang automatic navigation system at hindi rin sila sumasagot sa tawag ng AFP.
Dahil dito, sinabi ng opisyal na may posibilidad na pang eespiya ang ginagawa ng mga Chinese warship dahil hindi nakukunsidera rin umanong not innocent passage ang kanilang ginagawa.
Inaasahan kasi nilang makipag-ugnayan ang mga Chinese ships para matiyak ang kanilang kaligtasan habang dumadaan sa nasabing teritoryo.
Paliwanag ni Sobejana ang Sibutu Strait ay sea-lanes of communications kung saan dito dumadaan ang mga malalaking barko mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa.
Matatandaang dalawang barkong pandigma ng China ang namataan sa Sibutu Strait malapit sa Tawi-Tawi noong Hulyo na nasundan ng tatlo pa ngayong Agosto.