Ni: Jannette Africano
Ipinanukala ni Senate minority floor leader na bago umaksyon ang Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang akusasyon laban kay Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista kaugnay sa tagong yaman, ay kailangan munang resolbahin ang jurisdiction.
Matatandaang inakusahan ni Patricia ang dating asawa ni Bautista na may itinatagong P1-bilyong pisong yaman ang hepe ng Comelec na hindi naideklara sa kanyang Statement of Assets Lialibilities and Networth (SALN).
Ipinaliwanang kasi ni Drilon na maituturing na impeachable offense ang akusasyon laban kay Bautista na hindi pagdedeklara ng tunay na yaman gaya nitong isang opisyal ng pamahalaan sa kanyang SALN.
Ayon kay Drilon kung may magsampa ng impeachment case laban kay Bautista sa kamara, ay posibleng tumayong jurors ang senado sakaling umusad ito.
Na kung magkagayon ay pareho lamang ang iimbestigahan ng blue ribbon na akusasyon laban kay Bautista at ng impeachment court na walang iba kundi ang senado.
Tinutulan naman ng mga kapwa senador ang pahayag na ito ni Drilon.
Ayon kay Senate president Aquilino ‘Koko’ Pimentel hayaan na lang na magdecide ang komite ni Sen. Richard Gordon na blue ribbon.
Para naman kay Sen. Francis Chiz Escudero, nagawa nga ng senado ang imbestigahan si dating Vice president Jejomar Binay na impeachable offense din ang akusasyon sa kanya.
Mas mainam na imbestigahan ng senado si Bautista sakali mang walang mahain ng impeachment case laban rito.
Ayon naman kay Sen. Tito Sotto na siyang naghain ng resolusyon upang imbestigahan ng senado si Bautista, wala syang pakialam kung guilty ba o hindi ang hepe ng Comelec dahil ang imbestigasyon umano sa senado ay in aid of legislation gaya ng ginawa kay dating VP Binay.
Samantala bukas pa ire-refer kung saan komite mapupunta ang imbestigasyon ng umano’y tagong yaman ni Bautista.