Ni: Noli C. Liwanag
PANGUNGUNAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang programa para sa Indigenous People sa buong Pinas sa gaganaping IP Games sa Abril 23-29 sa Davao del Norte.
Si Davao de Norte Governor Anthony G. del Rosario ang nanguna sa programa para sa paghahanda ng lalawigan sa multi-event meet para sa mga Indigenous People.
Sa ginanap na Coordination Meeting na dinaluhan ni Gov. del Rosario, mga lider ng tribal group mula sa siyam na munisipalidad at dalawang lungsod sa Davao del Norte at kinatawan ng PSC, sa pangunguna ni Executive Assistant Karlo Pates at Provincial Sports Office head Giovanni Irong Gulanes, nabuo ang pagsasagawa sa una sa anim na IP Games na nasa pangangasiwa ni Commissioner Charles Maxey.
Bukod sa DavNor, host din ng Indigenous People’s Games ang Lake Sebu noong Hunyo 11-16; Ifugao sa Hulyo 31 hanganng Agosto 5; Bukidnon sa Agosto 14-19; Benguet sa Setyembre 18-23 at Nueva Vizcaya sa Oktubre 16-21.