Direktang inamin ni bagong Bureau of Custom (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na totoong may nagaganap na kurapsyon sa ahensya.
Sinabi ni Lapeña sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee na sa mga isyu ng korapsyon sa BOC, may mga ilang negosyante at mga opisyal ng ahensya ang sangkot sa lagayan system o tara system.
Sinuportahan rin ito ni Joel Pinawin (Commissioner for Intelligence Affairs) Command Center Capt. Gerardo Gambala (Command Center) at Atty. Mandy Anderson (Chief of the Staff Office of the Commissioner) ang pahayag ni Lapeña.
Sa naturang pagdinig sinagot ni Pinawin na may kuropsyon kaya nakalusot ang shabu shipment.
Sa pagtatanong ni senador Panfilo Lacson kay Pinawin inamin nito na taon 2009 pa ito sa BOC.
Kaya tinanong ito ni Lacson ukol sa pasikot-sikot ng katiwalian sa Customs.
Sinabi nito na kinakausap ng mga broker ang RMO na alyas Duvera para mapunta ang kargamento sa green lane at makalusot sa inspeksyon ng BOC.
Itinanggi naman ni Pinawin na nakatanggap ito ng tara para makalusot ang shipment na tila hindi naman kinagat ni senador Lacson.