JAMES LUIS
MULING pamumunuan ni Commissioner Willie Marcial ng tatlong taon ang PBA.
Ito matapos palawigin ng Board of governors ng tatlong taon ang pamumuno ni Marcial sa liga.
Nabatid na mayroon pang natitirang isang taon mula sa orihinal na kontrata si Marcial sa pinirmahan noong 2018.
Sa pamumuno ni Board chairman Ricky Vargas ay napagkasunduan ng mga board ang karagdagang extension ni Marcial.
Nagustuhan ng board ang pamumuno ni Marcial dahil sa pagiging transparent nito.