MAY dalawang uri ng realidad dito sa mundo. Ang espirituwal na realidad at birtuwal na realidad.
Ang Espirituwal na Realidad sa Birtuwal na Realidad
Ang espirituwal na realidad ay nasisilang sa inyo kapag kayo ay sumunod at tinanggap ang mga Salita ng Ama na ibinigay ng Kanyang Anak.
Ito ang Constructive Altered Mental Positivity (CAMP). Kasama ko ba kayo sa aking CAMP?
Ito ang Constructive Altered Mental Positivity – kapag ang inyong pag-iisip ay nabago mula sa pagiging karnal sa pagiging espirituwal. Huwag hayaang si Satanas, na muli kayong gawing karnal matapos na kayo ay naging espirituwal. Hindi lamang niya kayong gawing karnal, gagawin din kayong maging demonyo na kagaya niya. Ang Constructive Altered Mental Positivity (CAMP) ay magdadala sa tao sa buhay sa paningin ng Ama. Iyan ang ginagawa ng Hinirang na Anak.
Juan 6:63: “Ang espiritu nga ang bumubuhay, sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.”
Ang siyang nagbibigay ng buhay, na siyang Salita ng Ama sa pamamagitan ng Anak, ay ang dapat nating kinakain sa araw-araw.
Mga Taga-Roma 10:17: “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.”
Maraming tao ngayon ay walang pananampalataya dahil hindi sila nakikinig sa mga Salita ng Ama. Hindi nila ito tinatanggap. Hindi nila ito kinakain.
Ang kanilang isyu ay palaging “pananampalataya at tiwala,” na siyang magkakapatid. Kapag meron kayong pananampalataya, meron kayong tiwala. Ang iba ay walang tiwala. Mas pipiliin pa nilang magtiwala sa kanilang sarili kaysa magtiwala sa Anak. Mas pinili pa nilang magtiwala sa anomang meron sa internet kaysa sa mga Salita ng Anak.
Marcos 12:30 “At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.” Ito ang unang kautusan.
Huwag nating hatiin ang pag-ibig natin para sa ating Ama. Kapag nagsasalita tayo hinggil sa pagsusunod, ibigay natin ang lahat ng pag-ibig diyan.
Exodus 20:3-5
Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko
Huwag ninyong gawing panginoon ang inyong mga gadget
(4) Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyo itaas sa langit, o ng sa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.
Lahat ng mga nililok na imahe ay naroroon.
Iyan ay pinakarumaldumal na idolo. Mas mabuti pa ang mga panginoon sa relihiyon dahil hindi sila nagsasalita. Ngunit ang mga idolo sa inyong mga gadget, sila ay kumikilos, nagsasalita, at makisalamuha pa sa inyo. Iyan ang pinakarumaldumal na idolo na ginawa ni Satanas.
(5) Huwag mong yuyukuran sila,
Marami sa inyo ay hindi lamang niyuyukuran ang internet, sinusuot niyo pa ito sa inyong leeg
…o paglingkuran man sila;
Binibigay ninyo ang walo hanggang sampung oras dito
…sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin,
Siya ay isang mapanibughuing Dios. Kaya sa katagalan kayo ay mabubunyag dahil gumagawa kayo ng “pakikiapid” sa espiritu ng internet.
…na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin.
Ang birtuwal na realidad ay isang mapanlinlang na taktika na ginamit ni Satanas na si Lucifer ang demonyo upang ilaglag ang espirituwal na buhay. Kanyang ginawa ang internet na nakakaakit-akit at nakaka-adik. Kanyang sisipsipin ang espirituwal na buhay sa pamamagitan ng pag-aalipin sa isip at puso ng pita ng laman. Ang espirituwal na pangangalunya ay unti-unting maghiwalay sa tao mula sa espirituwal na realidad hanggang sa siya ay muling mamamatay sa paningin ng Ama. Kung kaya ito ay tinawag rin bilang Destructive Altered Mental Negativity o (DAMN). Huwag maging DAMNed.
Huwag niyo hayaang mangyari yan. Iyan ang taktika ni Satanas upang sipsipin ang inyong espirituwal na buhay. Ito ay napakakaakit-akit at nakakaadik. Isipin na lamang ang paglilinlang ni Satanas na si Lucifer ang demonyo sa sanlibutan ngayon. Ang kaaway na aking kaharap ay ginawang normal ang ganito para sa inyong kaluluwa na mamamatay. At narito rin ako na nagpupunyagi na mabigyan kayo ng buhay sa inyong kaluluwa. Kung walang Hinirang na Anak, mapapatay ni Satanas ang buong sanlibutan at walang sinumang makaliligtas. Kaya minamahal ng Ama ang sanlibutan.
“Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16)
Ito ang espirituwal na gawain ng Anak.
Exodus 20:3
(3) Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko
Huwag ninyong gawing panginoon ang inyong gadgets. Kapag sinabi ko na itapon ninyo ang inyong gadgets, itapon ninyo. Kapag sinabi ko na yapakan ito, yapakan ninyo ito. Isuko ang inyong gadgets.
1 Juan 2:15-17
(15) Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
(16) Sapagka’t ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.
(17) At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa’t ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.
Sino ang mananatili hanggang sa wakas? Bawat isa na gumagawa sa kalooban ng Dakilang Ama na nasa langit.
Mga Taga-Galacia 5:19-21. Narito ang ating mga kaaway.
(19) At hayag ang mga gawa ng laman, sa matuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
(20) Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya.
(21) Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.
Kaya kapag sinubukan kayo ng apoy, ano ang inyong isasagot? Alinman sa mga ito? Wala sa mga ito, o kung hindi kayo ay masusunog. Panatilihin natin ang ating espirituwal na paglakad kasama ang Dakilang Ama.
Pahayag 21:8: “Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
(Itutuloy)…