Kamakailan lamang ay may napabalitang isang babae ang natuklasan na may 27 contact lenses sa ilalim ng kaniyang mata.
Ayon sa mga eksperto, hindi daw normalpara sa mga tao na aksidenteng magsuot ng patong-patong na contact lenses at hindi kagaya ng normal na salamin, ang mga contact lenses ay may lifespan.
Ang mga pinaka-common na timeframe ng contact lens ay:
Daily – ito ay dinisenyo para gamitin sa isang buong araw lamang at itapon pagkatapos.
For nightly – ito ay dinisenyo na suutin sa araw at tanggalin sa gabi at maaring masuot sa loob ng dalawang linggo.
Monthly- ito ay dinisenyo upang suutin sa umaga at tanggaling sa gabi at isuot muli sa loob ng isang buwan.
Mayroon ring dapat na kapamaraanan sa mga gumagamit ng contact lenses:
- Maghugas ng kamay bago hawakan at isuot ang contact lense.
- Linisin ang lenses ng mga inirekomendang liquid solutions matapos itong tanggalin
- Itago ang forenightly at monthly use sa inirekomendang liquid solution.
- Ikurap-kurap rin ang mata upang manatiling basa ang mata at hindi matuyo ang contacts sa loob ng mata.
- Gumamit ng goggles kung ikaw ay magsiswimming ng may contact lens
- Tanggalin ang iyong contact lens bago matulog at itapon ito kung ito ay expire na.
Habang umuunlad ang henerasyon ngayon, kinakailangan ay maagap tayo at maalaga sa ating mga sarili at alamin ang mga nararapat at hindi nararapat upang makaiwas sa anumang disgrasya.