EYESHA ENDAR
MAKALIPAS ang ilang taong pagkawala sa lime light ay tuluyan na ngang magbabalik-showbiz ang aktres na si Julia Montes.
sa Instagram, ibinahagi ng talent management na Cornerstone ang pagbisita ni Julia sa kanilang opisina.
Kasunod nito ay sinabi ng Cornerstone na maraming proyekto ang nag-aabang para sa aktres ngayong taong 2020.
Magugunitang noong nakaraang taon nang nagtungo sa Germany si Julia upang makasama ang kaniyang ama.
Huling napanuod sa telebisyon ang aktres noong 2018 kung saan bumida ito sa isang action teleserye.