Pinuri sa online ang isang aso sa Texas matapos na makuhanan ng larawan bitbit ang isang bag ng dog food habang nalalakad sa kalsada ng Sinton, sa labas ng Corpus Christi, sa kalagitnaan ng Hurricane Harvey.
Pinu-post ni Tiele Dockens sa Twitter ang basa at maputik na aso kung saan bitbit nito ang isang bag ng dog food at nilagyan ng hashtag na #refugee.
Pagkatapos ay nagbigay si Dockens ng update sa naturang post kung saan ang naturang aso na si Otis ay natagpuan ng may-ari nito at aniya tumakas umano ang aso matapos na humina ang bagyo at hindi pa nalalaman kung saan galing ang dog food na nakuha ng hayop.