YNA MORTEL
MAS lumalala ang korapsyon sa pamahalaan ng Pilipinas noong 2019 batay sa Global Corruption Index.
Bumaba ng 14 pwesto at nakakuha ng mababang ranggo ang bansa sa listahan ng Global Corruption Index 2019.
Sa Corruption Perceptions Index (CPI) ng Transparency International para sa taong 2019, nasa ika-133 na ang Pilipinas sa 180 na bansa mula sa ika-99 na pwesto noong 2018.
Tinatayang nakakuha lamang ng score na 34 out of 100 ang Pilipinas, mas mababa ng dalawang puntos kumpara noong 2018.
Batay sa pamantayan, ibinibigay ang score na 0 para sa pinaka-corrupt na bansa habang “100” naman sa pinakamalinis sa kurapsyon.
Itinanghal na pinakamalinis sa kurapsyon ang mga bansang Denmark, New Zealand, Singapore at Australia habang pinaka-corrupt ang Cambodia, North Korea at Afghanistan.