Target na rin ng Martial Law sa Mindanao ang New People’s Army (NPA).
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, dahil ito sa inilabas na attack order ng NPA labansaAFP at Philippine National Police (PNP).
Kung wala aniyang deklarasyon ang NPA ay hindi ito magiging target ng Batas-Militar.
Pero pagtitiyak ni Padilla, tuloy pa rin naman ang usaping pangkapayapaan ng CPP-NDF at ng gobyerno.
Hinihintay lang umano ng pamahalaan ang sinseridad ng CPP sa usaping pangkapayapaan.
Nitong weekend ay nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ng NPA ang pag-atake sa ilang lugar para sa kapayapaan.