Pinagtulungan ng mga opisyal ng Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals (RSPCA) ang isang kuting na inihulog ng seagulls mula sa himpapawid upang ito ay mailigtas.
Kinontak umano ng isang residente ang RSPCA dahil nasaksihan nito ang pag-atake ng mga seagull sa isang 4-na linggong silang na kuting at inihulog ito sa himpapawid sa Sandy Cove sa Cymru.
Himala namang buhay pa ang kuting nang matagpuan at agad ay dinala ito sa Bryn-Y-Maen Animal Center upang malunasan at doon ay binigyan ito ng pangalang “Sky.”