UGALIIN ang pagkain ng mga healthy foods na nagpapalakas ng immune system ng katawan upang makita ang lubos na bisa ng mga ito.
Simula na ang tag-ulan kaya hindi maiwasan ang pagsisimula ng sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat. Kaya naman narito ang ilang payo para palakasin at patatagin pa ang inyong resistensya dahil bukod sa ehersisyo at walong oras na pagtulog maari rin magresulta sa mas matatag na resistensya ang ating mga kinakain.
1. Dagdagan ang pagkain ng bawang
Hindi lamang simpleng pampalasa ang hatid ng bawang, may taglay rin itong antibacterial at antiviral properties na mainam para labanan ang tyansa ng sipon, ubo at lagnat. At ‘di lamang yan dahil may taglay din itong anti-cancer properties. Ayon sa ilang pag-aaral, pinaka epektibo ang pagkain ng “fresh garlic,” pero dahil matapang ang lasa nito, pinapayuhan na durugin ito at saka ihalo sa nalutong ulam.
2. Protina at zinc
Gaya ng salmon, herring, tuna, sardinas, anchovies at scallops.
Nakakatulong ang protina para magkarooon ng sapat na lakas sa maghapon samantalang ang zinc naman ay nakakatulong para magkaroon ng natural na depensa ang katawan laban sa mga sakit.
3. Probiotics o good bacteria
Bukod sa mainam ito sa digestion, nakakatulong din ito para masulit ang nutrient-absorption mula sa ating mga kinain. Ang pagkakaroon ng good bacteria ay mainam para mabalanse ang lebel ng bad bacteria sa ating sistema.
4. Herbal supplements
Imbes na magkape o mag softdrinks, subukan ang pag-inom ng tsaa. Ang katas mula sa Echinacea, Ginseng, Astragalus, mushrooms gaya ng shiitake, reishi, maitake at Ashwagandha. Subukan din ang green at black tea na karaniwang nabibili sa grocery o supermarket.
5. Citrus fruits O Vitamin C supplement
Araw-arawin ang pagkain ng citrus fruits at pag-inom ng Vitamin C supplement. Hindi lamang ‘yan dahil ang mataas na reserba ng vitamin C sa ating katawan ay nagpapatatag din ng ating ngipin at buto.