Ni: Beth Gelena
HOTSEAT si direk Cathy Garcia-Molina sa JaDine (James Reid-Nadine Lustre) fans dahil sinagot niya ang tweet ng isang fan hinggil sa kung may posibilidad daw ba na mai-direk ng direktor sina James at Nadine bago siya magretiro.
Sinagot ni direk Cathy ang fan. Aniya, iba raw kasi ang naririnig niya mula sa mga kaibigan niyang direktor na sina direk Dan Villegas at direk Antoinette Jadaone. Si direk Tonet ang direktor ng bagong movie nina James at Nadine, ang ‘Never Not Love You’ na muntik nang hindi matuloy dahil nagkaroon ng isyu sa parte ng dalawang star.
Hindi nagustuhan ng JaDine fans ang sagot ng direktor kaya sila ay nag-react na kumalat sa social media.