SMNI NEWS
MAGSASANIB pwersa sa isang maaksyong proyekto ang dalawa sa pinaka-sikat na young hearthtrobs ng henerasyon.
Sa unang pagkakataon, magtatambal ang kilig ambassadors na sina Daniel Padilla at James Reid.
Nagkagulo ang mga fans nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang pagsasama sa isang action-packed production na pinamagatang Doble Hataw.
Sabi ni Daniel, maganda, cool at tiyak na maraming matutuwa sa first ever project nila ni James na magkasama.
Tila nag-hint naman si James at sinabing ang best part ng proyekto ay ang drifting at pagmamaneho nila ng sports cars.