Ni: Kristine Joy Labadan
Ang mga non-profit na organisasyon ay naniniwalang malaki ang tulong ng paggamit ng blockchain technology sa mga taong napilitang umalis ng kani-kanilang bansa upang takasan ang giyera, pag-uusig, o mga natural na kalamidad.
Kung iisipin, mahirap mawalan ng pagkakakilanlan o mga personal na rekord matapos tumakas sa sariling tahanan at sa lahat ng bagay na nakasanayan na. Mahigit 65 na milyong bakwit na naghahanap ng kukupkop sa kanila o sinusubukang makihalo muli sa lipunan, ang nahaharap sa ganitong senaryo sa araw-araw. Kung gaano kahirap ito sa mga bakwit, malaki ang pagkakataon na mapadali naman ng blockchain technology ang muling pagbuo ng panibagong pagkakakilanlan. Ang bansang Lebanon na may pinakamaraming populasyon ng mga bakwit ay ang patunay na gumagana na ang teknolohiyang nabanggit para sa pagbabago.
Ang blockchain ay maihahalintulad sa isang digital na record na naglilista ng mga transaksyon sa paraang hindi madaling mabago, kaya naman nagsisilbi itong angkop na plataporma sa pag-iimbak ng mga personal na rekord o maging ang paglipat at paglalaan ng kawanggawa sa pinaka-ligtas na paraan.
Ang grupo ng AID:Tech sa Jakarta, Indonesia ay nagsagawa ng talakayan kung paano makatutulong ang blockchain sa pagsagawa ng mga importanteng sosyal at pagpapaunlad na mga serbisyo.
Ang nagpasimula ng blockchain technology ay ang AID:Tech katuwang ng Irish Red Cross. Sila ay nagtulong-tulong upang mapaunlad pa ang teknolohiya at ang mga layunin nito. Dagdag sa pagpapayaman ng kasarinlan para sa mga naghahanap ng kanlungan, ang organisasyon ay gumagamit din ng blockchain upang makabuo ng bukas na ugnayan at tiwala sa mga non-profit na organisasyon.
Noong 2015, si CEO Joseph Thompson ay nagtrabaho sa Tripoli kasama ang Irish Red Cross upang subukan ang kanilang proyekto na hahayaan ang mga bakwit na bumili ng mga kalakal nang walang anumang pagbabawal. Nagawa ito sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng blockchain at ng mga voucher na may kalakip na QR codes sa bawat taong nagmamay-ari nito. Ang bawat voucher ay may nakapaloob na halagang $20. Kung titingnan ay mukha lamang ordinaryong mga voucher ang mga ito ngunit isa pala itong instrumentong ginamitan ng blockchain technology.
Pagpapatupad ng paggamit ng blockchain technology sa pamimili ng mga kakailanganin ng mga bakwit.
“The people participating in the project were given a plastic card that resembled a debit or credit card, and they were able to make purchases of their choice,” ayon sa isa sa nagtatag ng AID:Tech na si Chief Operating Officer Niall Dennehy. “It was seamless.”
Narito kung paano ito gumagana: Ang mga negosyante na nagtitinda ay ii-scan ang QR codes na nasa vouchers. Makikita nito ang beripikadong identidad at larawan ng bakwit na bumibili at ang natitirang halaga sa voucher nito. Sa kabilang banda, makikita ng Red Cross ang transaksyon habang ito’y nangyayari at sila ang magbabayad sa negosyante.
Halimbawa ng mga vouchers na may mga sariling QR codes.
PAANO KUNG AYAW MAKILALA NG ISANG BAKWIT?
Turan ni Dennehy, “The Red Cross team couldn’t see who the individuals were. That would be something we’re keen not to do, especially in a place like Syria because we would not want the regime to get their hands on such sensitive information. We stored that information off the platform.”
Habang ang proyektong blockchain ay sa Lebanon lamang naisagawa, si Dennehy at ang AID:Tech ay may mas malaking pananaw upang isaalang-alang pa ang kahit na sino na may digital na identidad na ariin at kontrolin ang kanilang mga datos, gayundin ang gawin itong salapi.
Tiyak na magiging matagal at mahirap na proseso and dadanasin ng mga nangingibang-bayan na nais maging bahagi muli ng isang lipunan ang muling pagbukas ng account sa bangko, pagtatatag ng rekord na pang-kalusugan, at ang pagmamay-ari ulit ng mga personal na datos.
Maliban sa pag-iimbak ng pinansyal at pangkalusugang listahan sa blockchain, maaari ring gamitin ng mga nangingibang-bayan ang instrumento upang makagawa ng kanilang rekord patungkol sa kanilang natamong edukasyon at mga dokumentong nagpapatibay ng kanilang pagiging propesyonal na kadalasang nawawala sa tuwing sila’y tumatakas mula sa kanilang bansa.
PAANO LALAGO ANG PROYEKTO?
Marami ang nagsasabi na upang lumago ang blockchain technology, ang mga nangingibang bayan ay mangangailangan ng smartphone at Internet. Sa kabutihang palad, maraming bakwit na Syrian ang nagma-may ari naman nito.
Ngunit ayon sa mga nagpasimula nito, ‘di lamang smartphone ang kailangan. Ayon kay Dennehy, ang AID:Tech noong 2015 sa Lebanon ay hindi pa ang kanilang pinaka-progresibong plataporma. “We’ve learned from that experience that we need technology that’s really robust. We need to put a solid, cloud-based infrastructure in place.”
Naglaan ng 12 na buwan ang AID:Tech sa pagpapaunlad ng codes at pagtatrabaho sa teknolohiya at innovation nito upang maging lubusang epektibo ang resulta sa huli.
BUKAS NA UGNAYAN SA BLOCKCHAIN
Maliban sa mga unang nabanggit sa paggamit ng blockchain, ang Irish Red Cross ay gumagamit na rin nito sa pag-proseso ng mga donasyon. Sinisikap ng Ireland na tumulong sa pagkupkop ng 4,000 na Syrian na bakwit at tumutulong sa paghahanap sa publiko na bukas ang loob na bigyan ng matitirahan ang mga ito. Kahit na pondo ng Red Cross ang ginagamit upang maisakatuparan ang programa, ang organisasyon ay naghahanap pa rin ng mga lokal na komunidad na magtataguyod sa mga bakwit at makatutulong sa maikling panahon sa pagbibigay ng pondo.
Sa kabila nito ay maaga pa rin para sa eksperimento ng blockchain at hindi rin naman maitatanggi ang malaking kapakinabangan nito lalung-lalo na sa tiwalang ibinibigay sa organisasyon, partikular na sa sektor ng pagkakawanggawa, na malaki ang ibinaba ng pagtitiwala ng mga tao sa mga nakaraang taon.
Kahit na maliit lamang ang nasakop ng proyekto sa Lebanon, naipakita pa rin ng Irish Red Cross ang isang matibay na halimbawa at potensyal ng blockchain sa panahon ng matinding kagipitan. Ang pagiging bukas nito ang naging resulta ng pagtitiwala ng mga nagbigay ng donasyon kung saan nga ba napupunta ang kanilang inilaan para makatulong.
“We’re able to give donors more options to donate,” sabi ni Danny Curran, puno ng fundraising at commercial services para sa Irish Red Cross.
“We’re scaling the technology carefully, so we’re ready to go for the next emergency. We’ll do it slowly to make sure the technology can deal with a dramatic influx of donations that often follow a global emergency. Blockchain can deliver a new level of the amount of transactions coming in all at once.”