HANNAH JANE SANCHO
IPINAG-UTOS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatag ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.
Ito ay matapos lagdaan ni Pang. Duterte ang Executive Order No. 101 para sa pagbuo ng Task Force on Zero Hunger na isinapubliko ng Malacañang kamakailan.
Tatayo bilang chairperson ng grupo ang cabinet secretary habang vice-chairperson ang mga kalihim ng Social Welfare at Agriculture Department.
Miyembro naman ang iba pang tanggapan ng pamahalaan kabilang ang DAR, DBM, DepEd, DENR, DOH, DOLE, DILG at iba pa.
Sa ilalim ng EO, target ng pamahalaan na mabigyang solusyon ang kahirapan sa bansa pagsapit sa taong 2030 at mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa kakulangan ng pagkain.