SMNI NEWS
PUMANAW na ang dating aktor na si Daniel Figueroa, noong gabi ng Huwebes, Mayo 16.
Kidney failure ang naging sanhi ng pagpanaw ng aktor na sumikat noong dekada nubenta.
Kabilang sa 11 pelikulang ginawa ni Daniel ay ang ‹Sa Ngalan ng Pag-ibig’, ‘Bala at Lipstik’, ‘Abel Morado: Ikaw Ang May-Sala’, at ‘Ikaw Lang Ang Mamahalin’ na lahat ay idinirihe ng sumakabilang-buhay na ring direktor na si Maryo J. De Los Reyes.
Makikita sa huling larawan ni Daniel sa kanyang Facebook page na sumailalim ito sa dialysis treatment limang araw bago binawian ng buhay.