MJ MONDEAJAR
PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang nauna nitong desisyon na pumapabor sa pagsibak ng office of the Ombudsman kay dating Makati City Mayor Junjun Binay dahil sa maanomalyang bidding para sa konstruksyon ng Makati City Science High School Building.
Ito ay matapos na ibinasura ng CA former special eight division ang mga magkakahiwalay na motion for reconsiderations na inihain ni Binay at iba pang petitioners dahil sa kawalan ng merito.
Inakusahan si Binay ng Ombudsman sa ruling nito na nakipagsabwatan si Binay sa mga kapwa akusado nito para ipalsipika o pekein ang bidding documents sa proyekto at itago ang ilang impormasyon sa iba pang bidders para maigawad agad ang kontrata sa Hilmarc’s Construction Corporation.
Sa consolidated resolutions ng CA, sinabi nito na kumbinsido ito na alam ni Binay na may iregularidad pero inaprubahan pa rin nito ang pag-award ng kontrata sa Hilmarc.
Sa naunang ruling ng Appellate Court, napatunayan nitong guilty ng serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service si Binay.
Kasabay nito ay pinagtibay din ng CA ang parusang dismissal at perpetual disqualification from holding public office o bawal nang humawak ng anumang pwesto sa gobyerno si Binay.