TARGET ng kagawaran na mabakunahan ang 5.5 milyong bata.
NAGTUTULUNGAN na ang Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) na gumawa ng epektibong pagtugon sa Polio outbreak sa bansa.
Ipinangako rin aniya ng WHO na kumpleto ang lahat ng kailangan para sa nasabing sakit at lahat ng batang dapat mabakunahan ay mabibigyan nito.
Matatandaang noong nakaraang linggo nang kumpirmahin ng DOH ang muling pagbabalik ng polio sa bansa matapos ang dalawang dekada ng pagiging Polio-free country.
Bilang pagresponde sa Polio outbreak, magsasagawa ng Simultaneous Vaccination Programs ang DOH sa mga batang edad limang taong gulang pababa sa Metro Manila, Davao at Lanao Del Sur sa susunod na buwan.
WILLIAM VALENCIA