Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Calatagan, Batangas.
Naitala ang pagyanig sa pitumpu’t tatlong kilometro silangan ng Calatagan, kaninang 8:06 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na labindalawang kilometro.
Samantala, niyanig din ng magnitude 4.5 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental, kaninang 9:56 ng umaga.
May lalim na pitumpu’t isang kilometro ang pagyanig.
Wala naman naitalang pinsala at aftershock matapos ang dalawang pagyanig.