TROY GOMEZ
Bagong tanggapanSinabi ni Sotto na sapat ang nilalamang probisyon ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, pero bigo umano ang PDEA at DDB sa pagpapatupad ng batas.
Nakasaad sa panukalang batas ni Sotto ang pagkakaroon ng iba’t-ibang sangay sa loob ng PRDEA, na tututok sa rehabilitasyon, prosekusyon, implementasyon at enforcement ng batas sa mga mahuhuling drug suspect.
Batay sa datos na hawak ng senador mula sa nakalipas na taon, nasa pagitan ng 80 hanggang 85-percent ng drug cases ang nababasura.