US Senator Edward Markey
JHOMEL SANTOS
IGINIIT ni US Senator Edward Markey na hindi siya matitinag sa inilarawan nito na hakbang ng strongman para patahimikin ang kanyang mga kritiko.
Ito ang buwelta ng senador mula Massachusetts matapos ang travel ban na ipinataw ng Philippine government dahil sa kanyang panawagan na palayain si Senador Leila de Lima.
Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Edward Markey na nagkakamali si Pangulong Rodrigo Duterte kung sa tingin nito ay mapapatahimik siya at ang kanyang mga.
Patutsada pa ng US senador na nabigo na ang pangulo na patahimikin si De Lima, ang mamamahayag na si Maria Ressa at iba pa na nagsalita para sa katotohanan.
Tiniyak pa ni Markey na ipagpapatuloy niya ang paglaban para sa “highest democratic ideals” at paglaban sa strongman tactics ng Duterte government.
Maliban kay Markey, pinatawan din ng travel ban ang kanyang mga kapwa senador na sina Richard “Dick” Durbin at Patrick Leahy.