Magiging prayoridad ng senado sa kanilang second regular season ang mga batas na magpapanatili ng peace and order sa Mindanao.
Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, kasama sa target nilang ipasa ang Bangsamoro Basic Law, Charter Change, Anti-Terrorism Law at ang panukalang National Identification System.
Pero hindi kasama sa kanilang agenda ang isinusulong na Death Penalty Bill ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaasahang isa sa magagamit na panlaban laban sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Aprubado na sa kamara ang House Bill No. 4727 o Death Penalty Bill pero hindi pa ito natatalakay sa committee level ng senado.
Bukod sa mga panukalang inaasahang solusyon laban sa terorismo, papaspasan aniya ng senado ang panukala para i-angat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.
Sinusuportahan aniya ng senado ang tax reform ng gobyerno at mga programa para sa development gaya ng pagpapalit ng sistema ng gobyerno patungong federalismo.