• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Sunday - January 24, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Defense Secretary Delfin Lorenzana

Pag-terminate ng Pilipinas sa VFA sa Amerika, balewala kay U.S. Pres. Trump

February 27, 2020 by Pinas News

CRESILYN CATARONG

BALEWALA kay US President Donald Trump ang hakbang ng Pilipinas na putulin ang Visiting Forces Agreement o VFA.

Sa halip ay nagpasalamat pa si Trump sa desisyon dahil mas makatitipid aniya ng malaking pera ang Amerika.

Sa kabila naman ng pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa VFA, sinabi ni Trump na nananatiling maganda ang relasyon nila ng pangulo.

Kaugnay nito, tinawag namang ‘unfortunate’ ni US Defense Secretary Mark Esper ang pasya ng Pilipinas.

Para naman kay US State Assistant Secretary Clarke Cooper, malalagay sa alanganin ang mga aktibidad gaya ng joint military exercises at bilateral engagements ng Pilipinas at Amerika kung wala ang VFA.

Kaugnay nito, iginagalang naman ng Palasyo ang naging tugon ni US Pres. Trump sa naging desisyon ng Pangulong Duterte na iterminate ang VFA.

Nakatakdang joint military exercises ng Pilipinas at Amerika, dapat pa ring matuloy

Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tuloy pa rin ang mga nakatakdang military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ay kahit nagpadala na ng Notice of Termination ang gobyerno ng Pilipinas sa Amerika kaugnay ng VFA.

Ayon kay Lorenzana, may 180 araw pa ang dalawang bansa bago tuluyang mabasura ang nasabing kasunduan kaya hindi maapektuhan ang mga nakatakdang aktibidad.

Pero may opsyon anya ang US na kanselahin ang military exercises bago pa magtapos ang 180 araw.

Sinabi pa ni Lorenzana na kapag natapos na ang VFA ay hindi na sila magsasagawa pa ng pagsasanay sa mga sundalong Amerikano.

 

Pambansa Slider Ticker balewala kay U.S. Pres. Trump Defense Secretary Delfin Lorenzana Pag-terminate ng Pilipinas sa VFA sa Amerika US State Assistant Secretary Clarke Cooper

Martial law sa Mindanao, pormal nang nagtapos

January 8, 2020 by PINAS

 

HANNAH JANE SANCHO

 

TINAPOS na ng gobiyerno ang pagpapatupad ng martial law sa Mindanao nitong Disyembre a-31 2019.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ipagpapatuloy pa rin ng militar ang pagbabantay sa nakamit na kapayapaan sa rehiyon matapos wakasan ng gobiyerno ang implementasyon ng batas militar sa Mindanao.

Pinasalamatan naman ni Lorenzana ang mga residente ng rehiyon sa pagsuporta sa martial law.

Mayo a-23, 2017 unang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law matapos umatake at maghasik ng terorismo ang Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Marawi City noong Nobyembre 23, 2017.

Matatandaan na tatlong ulit na pinalawig ang martial law sa rehiyon sa tulong ng kongreso noong 2018 at 2019.

Ticker Defense Secretary Delfin Lorenzana Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) Pangulong Rodrigo Duterte

Martial law sa Mindanao hindi na palalawigin – PRRD

December 17, 2019 by PINAS

 

HANNAH JANE SANCHO

 

WALA nang extension ng Martial Law sa buong Mindanao.

“The Office of the President wishes to announce that President Rodrigo Roa Duterte is not extending martial law,” pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo.

Ayon sa tagapagsalita ng Palasyo ang desisyon ni Pangulong Duterte ay base sa rekomendasyon ng kaniyang defense officials.

“His decision is based on the assessment of the security forces as well as the defense advisers that the terrorists and extremist rebellion have been weakened as a result of the capture or neutralization of their leaders, as well as a decrease in the [number of] index crime[s],” saad ni Panelo.

Ang naging basehan naman ng rekomendasyon ay ang paghina na ng antas ng terorismo sa buong rehiyon ng Mindanao at ang bumaba rin na crime index.

Lunes ng gabi nang nakaraang linggo nang magpatawag ng joint command conference si Pangulong Duterte sa Malakanyang. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. Sa okasyong ito ibinaba ng pangulo ang kanyang desisyon.

Nakatakdang mag-lapse ang pag-iral ng martial law sa Mindanao sa December 31 matapos ang tatlong taon na implementasyon nito.

Matatandaang una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na naisumite na nila kay Pangulong Duterte ang rekomendasyon na huwag nang palawigin pa ang martial law.

 

 

Pambansa Slider Ticker Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo Defense Secretary Delfin Lorenzana Martial Law President Rodrigo Roa Duterte

Walang ceasefire sa CPP-NPA ngayong pasko – DND

December 17, 2019 by PINAS

 

DEFENSE Secretary Delfin Lorenzana
JHOMEL SANTOS

 

WALANG irerekomendang ceasefire si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa CPP-NPA ngayong kapaskuhan.

Sa harap ito ng muling pakikipag-usap ng gobyerno sa rebeldeng grupo kaugnay ng usapang-pangkapayapaan.

Gayunman, hindi nagbigay ng detalye si Lorenzana hinggil sa hindi nito pagrerekumenda ng tigil-putukan sa CPP-NPA.

Samantala, iginagalang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-usap sa mga rebelde, pero magpapatuloy pa rin ang kanilang opensiba sa mga ito.

Sinabi ni AFP Spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo na batid nila ang layunin na matamo ang pangmatagalang kapayapaan pero kailangan na magpakita ng sinseridad ang mga rebelde dito.

Pambansa Slider Ticker AFP Spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo Armed Forces of the Philippines (AFP) CPP-NPA Defense Secretary Delfin Lorenzana

Batas militar sa Mindanao pwede nang alisin

November 29, 2019 by PINAS

EDITORIAL NI HANNAH JANE SANCHO

MAHIGIT dalawang taon na rin ang nakalilipas magmula nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa buong Mindanao noong Mayo 2017 bunsod ng kaguluhan na idinulot ng IS-inspired Maute terror group sa Marawi.

Inaasahang ngayong Disyembre 31 ay magtatapos ang isang taong extension ng martial law sa Mindanao at magkakaiba ang mungkahi ng mga nasa gobyerno kung dapat pa ba itong ipagpatuloy.

Buwan ng Agusto pa lang ng taong kasalukuyan ay nagpahayag na si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi na kailangan ng kaniyang lungsod ang isa pang taon na implementasyon ng martial law dahil naaapektuhan na ang business sector dito.

Naniniwala ang presidential daughter na kung ipatutupad pa ang batas militar dapat ay totohanin ito ng gobyerno kung saan ang militar talaga ang nasa kapangyarihan at wala ng function ang korte o lokal na pamahalaan.

Para kay Inday Sara, dahil maayos na ang sitwasyon sa Lungsod ng Davao at sa Samal Island, naniniwala itong dapat ihinto na ang pagpapatupad ng batas militar.

Kaya naman hindi na ikinagulat ng Malakanyang nang ipasa ng Davao City Council ang isang resolusyon na nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang martial law.

Si Davao City Councilor Mabel Acosta na siyang chair ng committee on peace and public safety ang siyang naghain ng resolusyon.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, depende pa rin sa magiging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kaugnay sa isa pang taong extension ng Martial Law sa Mindanao.

Pero kung personal na pananaw ni Lorenzana ang tatanungin ay hindi na niya gusto pang irekomenda ang isa pang taong extension ng batas militar.

Ani Lorenzana masyado nang matagal itong naipatupad at kumpiyansa naman siyang kaya nilang gampanan mula sa security forces ng gobyerno ang kanilang trabaho.

Hiling lang ng Defense Secretary na kung gusto ng Kongreso na wala nang batas militar sa Mindanao ay ipasa na nito ang Human Security Act na nangangailangan ng ngipin.

Mas maganda aniya itong arrangement ani Lorenzana kaysa sa ipagpatuloy pa ang martial law.

Sa panig naman ng Philippine National Police kasalukuyang under control ang peace and order situation sa Mindanao at pwedeng hindi na kailanganin pa ang martial law.

Ito ay ayon kay PNP spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac.

Ani Banac, ipinapanatili lang nilang nasa mataas ang alert level sa bahagi ng Sulu dahil na rin sa may presensiya pa rin ng mga terrorist group na Abu Sayyaf.

Kapansin-pansin din ani Banac ang pagbaba ng lebel ng krimen sa buong Mindanao at under control din ang paglaganap ng loose firearms sa rehiyon.

Isa ito sa nakikitang rason ng PNP na pwede nang tanggalin ang martial law sa buong kapuluan ng Mindanao ani Banac.

Maging si Basilan Governor Hajiman Saliman-Hataman ay wala nang nakikitang dahilan para patagalin pa ang Martial law sa kaniyang probinsiya dahil under control naman ang seguridad sa kanilang lugar.

Paliwanag ni Hataman na kasalukuyang bumaba na ang bilang ng miyembro ng Abu Sayyaf group at nasa ilang na bahagi na ito ng kagubatan.

Humina na ang kanilang pwersa dahil marami sa mga kasamahan nito ang nasawi o di kaya naman ay sumuko na sa gobyerno.

Ipinunto din ni Hataman na matagal na panahon na rin sa kanilang lugar na nagkaroon ng insidente ng pambobomba, kidnapping at bayolenteng pagpatay magmula nang simulan ng gobyerno ang all-out war laban sa Abu Sayyaf at mga lawless element bago pa man idineklara ang Martial Law sa Mindanao.

Pero kung si Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo na siya ring chairman ng House Committee on Mindanao Affairs ang tatanungin, hindi siya sangayon na alisin ang batas militar lalo na sa kaniyang probinsiya.

Naniniwala si Dimaporo na ang pagpapanatili ng martial law sa Lanao del Norte ay siyang solusyon para sa seryosong problema ng seguridad ng kaniyang mga nasasakupan.

Sa katunayan aniya pinasa kamakailan ng Peace and Order Council ng Bayan ng Tubod ang isang resolusyon na pumapabor sa pagpapalawig ng martial law.

Binigyang diin ni Dimaporo ang naging security assessment ng AFP na siyang basehan ng council para palawigin pa ang batas militar sa kanilang lugar.

Kinokonsidera naman ng Armed Forces of the Philippines Chief of Staff na irekomenda kay Pangulong Duterte na palawigin ang martial law sa iilang lugar lang sa Mindanao.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Noel Clement magsasagawa muna sila ng thorough assessment at consultation sa mga lokal na pamahalaan sa Mindanao kung nais pa nitong magpatuloy ang batas militar sa kanilang lugar.

Editorial Opinyon Slider Ticker AFP Chief of Staff Gen. Noel Clement Defense Secretary Delfin Lorenzana HANNAH JANE SANCHO Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo Pangulong Rodrigo Duterte

Martial Law sa Mindanao, hindi na dapat pang palawigin – Defense Chief Lorenzana

November 18, 2019 by PINAS

DEFENSE Secretary Delfin Lorenzana

 

HANNAH JANE SANCHO

 

HINDI pabor si Defense Secretary Delfin Lorenzana na palawigin pang muli ang Martial Law sa Mindanao.

Paliwanag ni Lorenzana, masyado nang matagal kapag pinalawig pa ang batas militar sa rehiyon matapos ang 2019.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na hihintayin pa rin niya ang rekomendasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bago siya opisyal na magdesisyon.

Matatandaang Disyembre 31 nakatakdang magpaso ang Martial Law sa Mindanao matapos ang makailang extensyon nito.

 

Pambansa Slider Ticker Defense Secretary Delfin Lorenzana HANNAH JANE SANCHO

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.