• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - January 27, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Dennis Trillo

Sheena Halili, ikinasal na sa kaniyang abogadong boyfriend na si Jeron Manzanero

March 9, 2020 by PINAS

ANNA MAE ALPUERTO

IKINASAL na si Sheena Halili at ang longtime boyfriend nitong si Atty. Jeron Manzanero.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa isang events place sa Quezon City kamakailan.

Habang naglalakad sa aisle ng simbahan ay kinanta naman ng kaniyang ninang na si Regine Velasquez ang “Araw Gabi”.

Kabilang sa entourage sina Maine Mendoza at Pasig Mayor Vico Sotto, habang secondary sponsor sina Marian Rivera at Connie Reyes at mga executives ng kapuso network.

Kasama rin sa mga abay ang mga kaibigang celebrities na sina Lovely Abella, Valeen Montenegro, Camille Prats, Jennylyn Mercado at kasintahang si Dennis Trillo, Dingdong Dantes, at pinsan ni Sheena na si Katrina Halili.

Kung maaalala, Agosto 2018 nang mag-propose ng kasal kay Sheena si Manzanero sa loob ng isang moviehouse.

Showbiz Slider Ticker Anna Mae Alpuerto Atty. Jeron Manzanero Dennis Trillo Katrina Halili Maine Mendoza Pasig Mayor Vico Sotto Sheena Halili

Dennis Trillo, gagawin lahat para sa pag-ibig

November 27, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

MAGKAHALONG tuwa at excitement ang nararamdam ngayon ng Primetime Drama King na si Dennis Trillo dahil sa bago niyang teleserye sa Siete, ang Abel at Cain kung saan ay kasama niya sina Dingdong Dantes, Solenn Huessaff at Sanya Lopez. Bukod sa ganda ng istorya ay tinuturing ng Kapuso Network na ang pinakahuling teleseryeng ginawa nina Dennis at Dingdong ang siyang pinakamalaki at pinaghandaang teleserye para sa 2018.

Ang isa pa sa ikinatutuwa nang labis ni Dennis ay ang pagtapat nila sa undefeated show ng ABS CBN sa Primetime, ang Ang Probinsyano ni Coco Martin. Halos ilan na rin ang programang ginawa ng Siete na natapos na lang ang airing ay hindi man lang naka-obra sa Ang Probinsyano lalo na pagdating sa rating game.

Ang Katapat

“Hindi ito first time para saken at kay Dingdong na matapatan yung show, pinangunahan ko ang Enkantadia ako at si Dingdong naman sa Alyas Robinhood.”

“Noong umpisa, hindi naman namin alam kung saang timeslot kami ilalagay! Sa ganoong pag-iisip namin, talagang pinilit namin na makapag-produce ng quality program na kahit saan timeslot pa kami ilagay, kahit anong itapat na show, e, tatayo at lalaban kami,” sabi ni Dennis

Trillo

Pressure

At ngayon nga na labanan ng mga higante ang kanilang mga teleserye, may nararamdaman bang pressure si Dennis sa itinatakbo ng kanilang programa ni Dingdong laban sa katapat na show, lalo na pagdating sa ratings game? Na malalaman din ang magiging resulta nito habang tumatagal ang takbo ng airing ng pagtatapat ng 2 shows?

“Meron, andun lang yun! Pero hindi naman ginagamit yung pressure na ‘yon para sa ratings ng aming programa. Ginagamit namin yun para mas pagbutihan yung work namin. Iniisip na lang namin na kailangang marami kaming mapasayang mga manonood,” aniya.

Lumipat na direktor

Ang isa sa pinanlaban ng Ang Probinsyano ay ang mga matitinding action scenes nito na idinerehe ni direk Toto Natividad. Isa ngayon sa director ng Abel at Cain si direk Toto bukod kina Mark Reyes at Don Michael Perez. Lumipat si direk Toto sa bakuran ng Kapuso at nagresign bilang director ng teleserye ni Coco. Sa ganitong sitwasyon mabibigyan ng malaking laban ng teleserye nina Dennis at Dingdong ang katapat nilang programa pagdating sa action scenes.

May kumpiyansa ba si Dennis na ang Cain at Abel ay siguradong lalaban sa larangan ng action?

“Action, drama, ayoko po siyang i-label na isang genre lang. Isa pa, pag seryeng kasama si Dingdong Dantes, tiyak nasobrang espesyal ung show. At yung ang pagsasama namin sa iisang teleserye ulit, magiging collaboration naming dalawa,” aniya.

“Bawat eksena rito, mapa-drama man or action, talagang intense namin na binubuo,” dagdag pa ni Dennis.

High expectations

Ngayon, bakbakan na ang dalawang higanteng teleserye ng dalawang malaking istasyon. Umaasa ba ang kampo ni Dennis na sa pagtatapos ng tapatan nila ng show ni Coco ay sila ang magiging winner pagdating sa ratings games?

“Well, hindi kami umaasa na matatalo namin. Tatlong taon na rin naman na andiyan yung aming katapat na programa. Ang gusto lang namin ay makapag-offer ng programa, alternatibong panonoorin para sa mga tao na manonood at naghihintay ng bagong aabangan sa telebisyon,” sabi ni Dennis.

“Ngayon, ang dami ng magagandang contents sa Netflix, iFlix, videos. So gusto namin na makapanood sila ng ganung quality sa TV,” aniya.

Inggit

Sa anak mayaman na role napunta si Dingdong at si Dennis naman ay sa isang mahirap na pamilya  kung kaya napunta si Dennis sa maling gawain para ma-iahon sa kahirapan ang kinalakhang magulang. Happy ba naman siya sa kanyang role o mas type ni Dennis yung mayamang role ni Dingdong?

“Sa totoo lang, mas enjoy akong gumawa ng mga ganung role, yung role ko sa “Abel at Cain. Kasi di ko na kailangang mag-ayos, magpapogi. Ha ha ha ha! Kung ano lang ang hitsura ko dumating sa set, yun na yun, para mas maging kapani-paniwala talaga yung role ko,” sabi ni Dennis.

Investing para sa future nila ni Jennylyn Mercado

Kung maganda ang tinatakbo ng showbiz career ni Dennis, ay siya rin naman ginanda ng kanyang personal na buhay. Going strong ang relasyon nila ngayon ng real life girlfriend niyang si Jennylyn Mercado. Magkasosyo sila ngayon sa negosyo, ang Chunky Dough cookies.

Paghahanda na rin ba nila ito sa kinabukasan and wedding bells soon?

 “Siyempre suportado ko siya sa lahat ng gusto niyang gawin. Natutuwa ako na meron siyang ganun dahil hindi naman kami palaging artista buong buhay namin. Natutuwa ako na meron kaming ginagawang paghahanda para sa future namin,” sabi ni Dennis.

“Iba kasi siya, yung pagbi-bake niya, may halong pagmamahal talaga,” aniya.

“Hindi lang siya para makabenta. Gusto niyang ma-experience yung gawa niya mula talaga sa pagiging hands-on.”

Suporta sa negosyo

Dahilan sa super busy ngayon si Dennis sa kanyang bagong teleserye, ano naman kaya ang ambag niya kay Jennylyn sa kanilang negosyo bilang isa sa namuhunan dito?

“Minsan tumutulong ako kasi masyadong maraming orders. So, kailangan ng extra efforts. Ganun. At para mas maraming kustomer, kung pwede lang akong maglako, gagawin ko rin. Ha ha ha ha,” aniya.

Sa kasalan na talaga papunta

Kumpleto nang maituturing ang relasyon nilang dalawa ngayon ni Jennylyn, as in kasal na lang ang kulang?

“Wala na sigurong ibang pupuntahan kundi doon… ha ha ha ha,” aniya.

Next year ba?

“Mga ilang taon pa siguro. Hindi ko pa rin talaga alam kung kailan.”

Napapag-uusapan na ba?

“Hindi maiwasan na hindi mapag-usapan paminsan-minsan”

Wedding proposal

Maraming tsikang lumabas na nagpropose na raw siya ng kasal pero lahat ng ito ay pinasinungalingan ni Dennis. Wala pa raw siyang wedding proposal kay Jen kahit pa sabihin na may kakaibang singsing na suot-suot ngayon ang gf.

“Sorpresa na lang!”

“Magugulat na lang kayo talaga isang araw. Hindi ko na sasabihin kung kailan, wala nang panggulat pag sinabi ko pa… ha ha ha ha!” ang pagtatapos ni Dennis Trillo

Showbiz Slider Ticker Chunky Dough cookies Dennis Trillo Don Michael Perez iFlix Jennylyn Mercado Mark Reyes Netflix PINAS Sanya Lopez Solenn Huessaff videos

Kim Chiu, levelling up sa karir

November 13, 2018 by Pinas News

By: Wally Peralta  

VERY inspired ang young Kapamilya actress na si Kim Chiu sa di inaasahang pagpanalo niya sa kategoryang Best Single Performance by an Actress para sa “Korea” episode ng Ipaglaban Mo nitong nakaraang Star Awards for television. Hindi kasi expected ni Kim na siya ang magwawagi sa dami kasi ng mga magagaling niyang nakalaban sa naturang kategorya.

“Sobrang hindi ko po ini-expect na ako ang magiging winner,” ang paunang pahayag ni Kim.

“Nagulat talaga ako, kasi first time kong makatanggap ng ganitong klase ng award at talagang nakakataba ng puso, very happy talaga ako!” 

Palaban na Kim Chiu

In time ang pagpanalo ni Kim dahil sa ang susunod na project niya ngayon ay isa na namang malaking hamon sa kanyang kakayahan bilang isang actress, ang pagle-level up ng kanyang career at image bilang actress.

Mula kasi sa tweetums o pacute na acting ni Kim ay nagle-level up na siya into a much more mature actress. Meaning magiging palaban na siya at gaganap na ng daring and sexy roles.

At bilang baptism of sorts para kay Kim sa panibagong dimension ng kanyang career-image ay tinanggap niya ang isang pelikula kung saan ay magkakaroon siya ng sexy love scenes sa kanyang leading man, hindi lang sa isa kundi sa dalawa pa — sina Dennis Trillo at JC de Vera — sa One Great Love, isa sa mga official entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

First time para kay Kim na gumawa ng daring love scenes sa pelikula, hindi naman kaya siya nagdalawang isip na gawin ito lalo pa nga’t nakatanim na ang sweet image niya sa mga fans at viewers?

“When I was informed that may offer sa’kin ang Regal at pang-adult daw yung kuwento, siempre, ni-request ko munang mabasa yung script. Papunta ako noon abroad for an event, and I brought the script with me, binasa ko sa loob ng plane.

“Naku, nagandahan ako, hindi ko na nabitiwan. So pagbaba ko sa plane, tumawag ako agad and told them I’m accepting the role kasi I just loved the script,” sabi ni Kim. 

Working with a Kapuso actor

Bukod sa unang pagkakataon na sasabak si Kim sa mga intimate scenes ang isa pa sa kinaganda ng bagong movie niya ay ang pagkakataon na makasama niya sa isang project ang isa sa mga batikang Kapuso actor — si Dennis Trillo.

Isa na naman itong first para kay Kim, dalawang first, kung tutuusin dahil ngayon lang niya makakasama si Dennis sa isang project at ngayon lang niya makakatambal ang isang actor na di Kapamilya.

  Maraming”first” ang One Great Love para kay Kim. Bukod sa daring and sexy scenes kasama ng dalawang leading man, si Dennis at JC de Vera, ito rin ang unang pagkakataon niya makatrabaho ang direktor ng pelikula.

“First time ko to work with Dennis and also with Direk Eric Quizon,” sabi ni Kim.

“Si Dennis, sobrang tahimik pero pag nasa harap na ng kamera at umaakting na, ang galing niyang actor. Maging sa movie namin ay tahimik siya, as in walang scene na magkaka-confrontation sila ni JC. Walang mga eksenang sigawan, awayan, sampalan o pisikalan,” dagdag ni Kim.

“Ang maganda sa story, it’s more of an internal struggle noong character ko. What the movie wants to prove is kung totoo pa ba yung feeling na one great love or abstract concept na lang siya,” paliwanag ni Kim.

Award o box office

At dahil sa kakaibang atake ang ginawa ni Kim Chiu sa kanyang bagong movie project at super effort talaga ang kanyang byuti na bigyan ng justice ang kanyang character, hoping kaya ang kanyang byuti na manalo muli ng isa pang best actress award ngayong taon, sa Metro Manila Film Festival Awards night naman?

“Ay, wala akong ganung expectation! I’m just thankful na sa’kin napunta ang napakagandang project na ito at nakapasok kami sa festival. We’re all very proud of what we’ve done,” aniya.

Nagbigay pa nga ng assurance si Kim na hindi siya mapapahiyang irekomenda ang movie nila nina Dennis at JC dahilan sa napakaganda raw ng istorya nito at kapupulutan ng aral ng mga taong wagas kung magmahal.

“More than winning awards, mas gusto naming panoorin ito ng mas maraming tao and I assure the viewers na hindi kami mapapahiya sa kanila kapag pinanood nila ito.” 

Praktis pa more

Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Kim ay ang pagiging co-host sa bagong reality talent search show ng Kapamilya Network, ang Star Hunt na mapapanood daily. Kung pagbabasehan ay ang kalidad ni Kim bilang isang actress, walang duda na magaling si Kim sa field of acting at ilang acting awards na rin naman ang kanyang napanalunan. Pero marami sa mga viewers ng Star Hunt ay tila hindi satisfied kay Kim bilang isang co-host. As in, hilaw na hilaw pa siyang maging host ng isang talent search show. Tsika nga ng ilan, as a host ay marami pang dapat na matutunan si Kim.

“Aminado naman ako na talagang hindi ko linya ang hosting. Hindi ko talaga kayang mag-host na mag-isa. Kaya nga happy ako at nabigyan ako ng oportunidad ng ABS CBN na maghost ng ganitong klaseng show,” aniya.

“Ang masaya pa rito ay kasama ko pa ang mga dating housemates ko sa PBB. Ha ha ha ha! Feeling ko nga pag nagho-host ako ay ibinabalik yung nakaraan ko, noong nagsisimula palang ako sa showbiz. Tapos kasama ko pang mag-host yung mga kasabayan ko,” sabi ni Kim.

“Parang tuloy back from the start na….. marami pa akong dapat na matutunan,” pagtatapos pa ni Kim.

Showbiz Slider Ticker Dennis Trillo Direk Eric Quizon JC de Vera Kim Chiu Korea Metro Manila Film Festival Metro Manila Film Festival Awards One Great Love PINAS Star Hunt Wally Peralta

Kasikatang hindi mapantayan

July 3, 2018 by Pinas News

Ni: Melchor Bautista

MALAKING gulat sa buong showbiz hanggang sa ibang bansa ang naging pagsikat ni Alden Richards (Richard Reyes Faulkerson, Jr. na isinilang noong January 2, 1992).  Hindi maipaliwanag kung anong karisma mayroon siya at kung bakit magaan ang loob ng mga tao sa kanya.

Napatunayan ng biglang pag-init ng popularity ng Pambansang Bae, na hindi puwedeng ipagyabang ng sino mang artista ang kanilang kasikatan. Dahil puwedeng mangyari na sikat sila ngayon, pero bukas ay iba na ang may hawak ng katanyagan.

Hindi nalunod si Alden ng kanyang tagumpay, kahit na may mga naiinggit sa ka-nyang popularity, ay mara-ming kilalang personalidad sa bansa, pati na mga beteranong artista maging ang mga kasalukuyang sikat na mga artista sa showbiz ay nagpa-kita ng paghanga at pagkilala kung saan nakarating ang kasikatan ng guwapong aktor.

PRINSIPE NG KALYESERYE

Napansin na noon ang kahusayan ni Alden, pero kahit kilala na siya bilang Kapuso star ay parang huminto ang kanyang pagsikat. Kaya naman ipinagpapasalamat niya na napasama siya sa “Eat Bu-laga” at nakasali sa kal-yeserye, at doo’y nabuo ang tambalan nila ni Maine Mendoza, ang AlDub na minahal ng masa. Hindi na napigilan at naramdaman na sa showbiz ang ka­nyang tuluyang pagsikat.

IYAKIN SI MR. GUWAPO

Napaluha si Alden nang mapuno ng billboard ng kanyang mga product endorsements ang kahabaan ng EDSA ganu’n din sa mara-ming parte ng Pilipinas.

Mababa ang kanyang luha, dahil kahit siya ay hindi makapaniwala sa pagbabago ng kanyang kapalaran sa tagumpay na nakamtan.

Ikinalulungkot din niya na pumanaw ang kanyang mommy na si Mrs. Rosario Reyes Faulkerson at hindi na nasaksihan pa ang ka-nyang tuluyang pagsikat. Si Mommy Rosario noon ang pursegido na mag-artista ang kanyang anak.

PAANO NAKALUSOT?

Nahirapan din si Alden bago sumikat. Ang GMA-7 noon ay nakatutok sa kasikatan nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Habang sa kalabang network ng Siyete, sa ABS-CBN ay naroon ang kasikatan nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Enrique Gil, James Reid at Daniel Padilla.

Naranasan noon ni Alden ang sumali sa ilang male beauty pageants sa Laguna at nanalo siyang Ginoong Sta. Rosa 2009 at Ginoong Laguna 2010. Sinubukan din niyang sumali sa StarsStruck at Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010 pero hindi siya sinuwerte na doon ay mapansin. Hindi siya sumuko, bagkus ay itinuring niyang baka hindi pa niya talaga panahon noon para mapansin sa showbiz.

ANG CARMELA NI ALDEN

Naramdaman na talaga ang posibilidad ng pagsikat ni Alden, dahil noong 2014 ay ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7 na maging leading man ni Marian Rivera sa teleseryeng “Carmela”. Ang magandang aktres na tinawag noong Primetime Queen ng Siyete, kaya para kay Alden ay napakalaking karangalan na pumayag si Marian na siya ay makapareha.

PABORITO NG PRESS

Kahit naging leading man na ni Marian Rivera sa tele-serye, ay hindi pa rin naging mayabang si Alden. Magi­liw siya sa mga manunulat sa showbiz. Kahit sa sulok-sulok lang ng studio ay puwede siyang tawagin at i-ambush interview. Kahit pagod ay hindi niya iyon ipinahahalata sa press. Bagkus ay lagi siyang nakangiti, honest at masa-yang kausap. Kaya naman isang masayang oras na siya ay interbyuhin.

Isang pumanaw na writer ng PEP noon na si Ruben Ma­ra­sigan ang nagsabing: “Napakabait ni Alden, hindi ka­tulad ng ibang sikat na artis­ta na parang nagpapahabol at nagpapahirap sa press para sila mainterbyu. Iba si Alden, guwapo na ay lagi pang hindi maangas. Hindi showbiz ang ugali.”

KAKAMBAL NG SUWERTE

Patuloy na napapatunayan ngayon ni Alden ang ka-nyang kasikatan at talento kahit mayroon siyang project na hindi kapareha si Maine, ‘tulad ngayon sa bago niyang pinagbibidahang teleserye sa GMA, ang “Victor Magtanggol”.

Pero hindi inaalis ng guwapong aktor ang kanyang pasasalamat, na nagkatulu-ngan sila ni Maine para sabay nilang marating ang tagum-pay na patuloy nilang parehong ine-enjoy sa ngayon.

SA ITAAS NG TAGUMPAY

Mayaman na si Alden sa kabuhayan, dahil napakasipag niya sa career. Time is gold, para sa kanya. Pero hindi siya pinagbago ng kanyang kasikatan. Mahirap siyang basta lapit dahil sa mga taong pumoprotekta bunga ng pa-nganib na baka siya ay laging dumugin at masaktan ng hindi maiiwasang panggigigil at kasabikan ng mga fans.

Pero ang totoong Alden sa likod ng kamera ay ang dati pa ring Alden Richards na naroon ang simpleng ugali. Na maamo sa mga tao na nagmamahal sa kanya bilang simpleng tao at idolo.

Showbiz Slider Ticker “Carmela” ABS-CBN Daniel Padilla Dennis Trillo Dingdong Dantes Eat Bu-laga Enrique Gil GMA James Reid January 2 1992 John Lloyd Cruz Laguna Marian Rivera Melchor Bautista Mrs. Rosario Reyes Faulkerson Piolo Pascual Richard Gutierrez Richard Reyes Faulkerson Jr. Ruben Ma­ra­sigan Tom Rodriguez Victor Magtanggol

Jennylyn Mercado, goodbye muna sa drama

May 2, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

SA dinami-daming ginawang teleserye ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, ay sa bago niyang soap opera na “The Cure” siya sobrang na-excite.

Halos karamihan kasi sa naturang teleserye na ito ni Jennylyn ay first para sa kanya. First time niyang sasabak sa isang action scene. Lately kasi pawang mga madrama at sexy roles ang kanyang ginagawa sa bakuran ng Kapuso Network. Pero sa “The Cure” hindi oobra ang kanyang pagpapasexy at pagiging drama actress dahilan sa halos maaksyon na eksena ang kanyang ginagawa.

First time din para kay Jennylyn na lumabas sa isang horror theme teleserye ganundin sa Philippine Television ang magkaroon ng teleserye na may kaugnayan sa mga zombies or walking deads.

“Kaya nga po nang ialok sa akin ang project, agad-agad kong sinunggaban, ha ha ha ha ha,” ang masayang bungad ni Jennylyn.

“Pangarap ko talagang makagawa ng isang maaksyong project. Heto super excited ang byuti ko nang magfirst taping day na kami, grabe.”

“Maaksyon kasi ito, tapos may halong thriller at walang masyadong drama. Ang sarap sa pakiramdam kasi, parang may kasamang work out habang nagta-taping ka.  Enjoy talaga”

Takot sa putok

Inamin din ng magaling na aktres na noong baguhan palang siya sa industriya ay takot na takot siyang gumawa ng action theme project lalong-lalo na yung may barilan at explosion effects. Siya raw kasi ang tipo ng taong pag nakakarinig ng malakas na pagsabog ay agad-agad sinusumpong ng takot.

“First time ko sa action, noong baguhan ako sa industry, ayoko po gumawa ng maaksyong project, ha ha ha ha.”

“Kasi sa totoo lang takot na takot ako sa putok, sa baril, sa mga sumasabog, ganun, ayoko talaga makarinig ng ganun kalakas na pagsabog!”

“Actually nga pag New Year’s Eve at putukan na ay nagtatago ako! Kasi ayoko nga ng putok at pasabog talaga.”

“Ang ginagawa ko ay naglalagay ako ng mga earclogs para kahit gaano kalakas ang pasabog o tunog ay hindi ako matatakot.”

“At hindi maapektuhan ang akting ko.”

Bakbakan training

Bukod sa mga pasabog effect, nabanggit din ni Jennylyn na kasama sa kanyang action pack teleserye ay ang mga fight scenes. Anong klaseng paghahanda naman ang ginawa ni Jennylyn para maging makatotohanan ang mga bakbakan na ginagawa niya lalo pa nga’t na-tag siya bilang isang sexy dramatic actress?

“Ang training ko sa fight scenes, ay bumalik ako sa training ko sa Jiu Jitsu Martial arts. Tuloy-tuloy na ulit iyon.”

“Actually noon pa naman talaga ako nagti-training ng Jiu Jitsu, almost 7 years na ang training ko diyan, binalik ko lang siya ulit para nga sa mga fight scenes ko.”

May engagement ring na

Samantala, isang kapansin-pansin kay Jen, ay ang suot-suot niyang isang singsing na napapalibutan ng diamonds. Maging sa kanyang mga social media post ay hagip na hagip ang suot niyang singsing at kasama rin sa mga photos na iyon ay ang boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Marami tuloy ang bumabati kay Jen na netizens, at maging mga kasamahan niya sa trabaho. Does it mean malapit na marinig ang wedding bells nila ni Dennis?

“Ewan ko ba, nagtataka nga rin ako, bakit nila ako kino-congratulate.”

“Nanalo ba ako ng award? Ha ha ha ha ha!”

“At palagi ngang nababanggit yung kasal, hindi ko po alam. Kasi, hindi pa po napapag-usapan namin iyon.”

“Hetong sinasabi nilang engagement ring na suot-suot ko ngayon, eh akin ito.”

“Di ba, pag engagement ring, parang isa lang ang bato o yung diamond? Isa lang siya. Ulo lang.”

“Akin ‘to, eh! Kayo naman! Hindi ako puwedeng bumili nito? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Bahala na ang tadhana

Dahilan na rin sa super in love sila sa isa’t isa ng kanyang boyfriend na kitang-kita naman sa mga larawan na magkasama silang dalawa, eh nasa planning stage na ba ang kasalan nila? Lalo pa nga’t hindi na rin naman sila bumabata? Kailan sila pakakasal ni Dennis?

“Hindi ko po alam. Hindi ko po alam.”

“Wala pa talaga! Promise!”

“Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Marami pa akong gustong tahakin. Hindi ko po alam, e. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng kapalaran,” ang pagtatapos ni Jennylyn.

Showbiz Slider Ticker “The Cure” Dennis Trillo Jennylyn Mercado PINAS Wally Peralta

Kahit in love na ngayon… Lovi Poe, ayaw pa rin magpagarahe

February 13, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

SUPER enjoy si Lovi Poe sa bago niyang teleseryeng ngayon sa Kapuso Network, ang “The One That Got Away” kasama sina Dennis Trillo, Rhian Ramos at Max Collins. Bukod kasi sa naging kaibigan na niya at kapalitan kuro-kuro ang mga nabanggit na Kapuso actress ay first time din para kay Lovi na lumabas na isang segment host sa isang TV show. Kung kay isang simpleng babae ang role ni Lovi na malayo sa mga dati na niyang ginagawa. Pero may tsikang kahit close daw silang tatlo nina Max at Rhian ay kabog na kabog daw itong sina Lovi at Max sa pabonggahan sa mga eksena kay Rhian. Nauungusan raw ni Rhian ang dalawa?

“Ha ha ha ha! Walang ganun,” ang paunang bungad ni Lovi. 

“Nasa role kasi namin. Si Rhian ay isang fashion designer kung kaya bongga ang kanyang mga attire, kailangan niya talaga ang magkaroon ng different outfits. Siya kasi yung fashionista sa amin tatlo ni Max Collins.”

“Si Max kasi gym girl so expect na sporty looks si Max, samantalang ako ay isang TV segment host and production staff. Magkakaiba talaga sa lahat ng bagay ang role naming tatlo.”

 

Woman’s empowerment

Bukod kasi sa kaseksihan at kagandahan may isa sa pang gustong-gusto ni Lovi sa kanyang bagong teleserye, heto yung pagbo-boost sa moral ng mga kababaihan.

“Yan ang maganda sa show namin, parang ina-uplift lahat ng klase ng babae, yung tipong kailangan ba natin na maging competitive sa kapwa natin girl? Its not supposed to be that way.”

“This show basically shows na all woman can be friends kahit anong pamilya ka belong, o kahit pa sabihin na nagkaroon kayo ng iisang karelasyon na lalake. Yan ang magandang aral na matutunan sa show namin. Wala pabonggahan dapat.”

 

Half hearted

Kapuna-puna rin na halos karamihan ng mga ginagawang teleserye ni Lovi at maging sa pelikula ay isa siyang bride at maging ang mga malalapit niyang mga kaibigan babae sa showbiz ay kinasal na rin at may sarili nang pamilya.

Kung relasyon din lang ang pag-uusapan, stable and happy si Lovi sa piling ng kanyang boypren na si Chris Johnson. Kalian naman kaya ang kasalan para kay Lovi sa totoong buhay?

“Im so happy for them… ha ha ha ha. Chris and I were very carreer oriented. We’re on the same page.”

“So far, Wala pang ganun. Even if all of my friends, halos married nang lahat, hindi ko iniisip ang ganyan. Wala pa yan sa aking scheme of things right now.”

“Mas focused pa rin ako sa work, lalo ngayong I’m so busy sa dami ng ginagawa ko. And I can feel na kung pakakasal ako ngayon, I will be just half-hearted about it. If I ever I’d commit myself in marriage, gusto ko, yung buong-buo, nandun ako.”

 

No wedding talks

Sa punto ng pananalita ni Lovi ay tila wala talaga siyang kabalak-balak sa ngayon na magpakasal? Wala nga ba sa sistema niya ang wedding plan?

“No, hindi naman. Mayroon naman!”

“Pero sa ngayon it’s my choice na wag munang magpakasal. It’s a choice, this is where I am supposed to be, I’m happy this way, sitting here

with you guys… ha ha ha ha, having fun with you!!!

Kung wala man plano sa kasal, napapag-uusapan naman kaya nila ng kanyang boypren ang tungkol sa bagay na ito?

“No! we never talk about it. I don’t think its something na I’m ready to talk about it.”

Paano kung isang araw ay biglang ‘caught in the act’ si Lovi at nag-open ang boypren ng topic na may kinalalaman sa kanilang pagpapakasal? 

“Well, ang sasabihin ko sa kanya, ay ‘anong kakainin natin mamaya, ha ha ha ha ha’ joke lang.”

“Kung i-oopen niya, sa akin lang naman kung mangyayari iyon, its gonna happen. Of course, l’m also open for that things pero as I said, not now, not right now.”

“Of course, every girl wants to be with somebody, and only time can tell kung kalian ko talaga feel na magpakasal na. For sure, I will get married.”

Ano ang ideal man ni Lovi para maging husband material niya?

“I didn’t have an ideal man, its hard to say, its hard to describe my ideal man.

 Chris is very good, he’s really, really good.”

 

Lover to friends

Ika limang boypren na ni Lovi si Chris. Una si Jolo Revilla, tapos si Ronald Singson, then si Jake Cuenca at si Rocco Nacino. Does it means may chance na maging last boypren na niya si Chris and getting married is the next step?

 “Hindi puwedeng ganun, e. You shouldn’t think that way. If things didn’t work out, I don’t care about what other people will say.” 

“It’s like, I am moving on and I am gonna find the right person for me.

And I don’t care kung ma-judge ako ng ibang tao. As along as you know it’s not about the reputation, it’s about your character.”   

Sa apat na naging exes niya, aminado si Lovi na feel na feel niyang maging mga kaibigan ang mga ito kahit pa sabihin na hindi naman ganun kadali para sa young actress na makalimot sa break ups na nangyayari sa pagitan niya at ng past boyfriends.

“Yung iba kasi, we’ve lost communications. But I’m hoping they know that I wish them well and I want to be in good terms with them,” ang pagtatapos pa ni Lovi Poe.

Showbiz Slider Ticker ayaw pa rin magpagarahe Chris Johnson Dennis Trillo Half hearted Jake Cuenca Jolo Revilla Lover to friends Lovi Poe Max Collins No wedding talks Rhian Ramos Rocco Nacino Ronald Singson The One That Got Away Wally Peralta Woman’s empowerment

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.