• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

DENR

Pagtatag ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, ipinag-utos

January 29, 2020 by PINAS

HANNAH JANE SANCHO

 

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatag ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

Ito ay matapos lagdaan ni Pang. Duterte ang Executive Order No. 101 para sa pagbuo ng Task Force on Zero Hunger na isinapubliko ng Malacañang kamakailan.

Tatayo bilang chairperson ng grupo ang cabinet secretary habang vice-chairperson ang mga kalihim ng Social Welfare at Agriculture Department.

Miyembro naman ang iba pang tanggapan ng pamahalaan kabilang ang DAR, DBM, DepEd, DENR, DOH, DOLE, DILG at iba pa.

Sa ilalim ng EO, target ng pamahalaan na mabigyang solusyon ang kahirapan sa bansa pagsapit sa taong 2030 at mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa kakulangan ng pagkain.

Pambansa Slider Ticker DAR DBM DENR DepEd DOH DOLE Inter-Agency Task Force on Zero Hunger Pangulong Rodrigo Duterte

Pag-abolish sa ahensyang nakatutok sa rehabilitasyon ng Pasig River, ipinag-utos

November 25, 2019 by PINAS

 

MELODY NUÑEZ

IPINAG-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-abolish sa ahensya na nakatutok sa rehabilitasyon ng Pasig River.

Iniutos ni Pang. Duterte ang “disestablishment” ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa ilalim ng Executive Order No. 93 na inilabas sa publiko kamakailan.

Nakasaad sa kautusan na ang namumuno sa lahat ng efforts sa paglilinis ng Pasig River ay ililipat sa Manila Bay Task Force na pinamumunuan ni Environment Chief Roy Cimatu.

Inatasan din ang Environment Department na tiyakin ang mga rehabilitative efforts ay sumusunod sa lahat ng kaukulang batas.

Ang Department of Human Settlements and Urban Development ang magpro-proseso sa relokasyon ng mga informal settler na malapit sa ilog habang ang Metro Manila Development Authority at Public Works Department ang mamahala sa pag-alis sa mga istraktura na nakatayo dito.

Una nang sinabi ni Pang. Duterte na hindi na kailangan ang PRRC dahil hindi na malinis pa ang Pasig River.

Kaugnay nito, nirerespeto naman ng PRRC ang naging desisyon ng pangulo at nakahanda silang makipagtulungan sa DENR at MMDA sa paglilinis ng Ilog Pasig.

 

Pambansa Slider Ticker DENR Environment Chief Roy Cimatu MMDA Pangulong Rodrigo Duterte Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC)

Pamamahala sa tubig, dapat ibalik sa gobyerno kung kinakailangan – Pastor Apollo

August 20, 2019 by PINAS

JHOMEL SANTOS

IBALIK ang pamamahala sa tubig sa gobyerno kung kinakailangan. Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa isyu ng water crisis sa bansa sa special episode ng Usaping Bayan program sa SMNI News.

Ayon kay Pastor Apollo, kung makabubuti sa taumbayan ang pamamahala ng gobyerno sa tubig sa bansa ay dapat itong isulong.

 

Sa ngayon ay bago lamang nanalo sa kaso ang DENR laban sa Maynilad at MWSS na siyang namamahala ng tubig sa buong Pilipinas dahil sa hindi nito pagbibigay ng tamang serbisyo at pagsasaayos ng mga sewage lines at sewage treatment facilities.

Malinaw na nilabag ng Maynilad at MWSS ang section 8 of the Philippine Clean Water Act (Republic Act No. 9275) dahil bigo nilang nagawa ang kanilang tungkulin na isaayos ang mga sewage lines at sewage treatment facilities.

Samantala walang masama sa pagtanggap ng regalo kung pagmamagandang-loob ito.  Ito ang naging reaksyon ng butihing pastor kasunod ng pagpabor ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis basta hindi ito panunuhol.

Sinabi ni Pastor Apollo  na maaari namang tumanggap ang mga pulis sa bansa, kung wala namang kapalit sa pagbibigay ng regalo at walang nagrireklamo.

 

Batid din ng butihing pastor sa isinasaad ng batas ngunit aniya kung wala namang intensiyon na impluwensiyahan ang isang pulis sa kanilang trabaho ay hindi naman ito masama.

Sa ilalim kasi ng batas o Republic Act 6713 or The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ay ipinagbabawal sa mga pampublikong opisyal na manghingi at tumanggap ng “directly or indirectly gifts, gratuity, favor, entertainment, loan o anumang may monetary value.

Pambansa Slider Ticker DENR JHOMEL SANTOS MWSS Pastor Apollo SMNI News

Manila Zoo, babaguhin na ang pangalan sa Manila Philippine Zoo

August 14, 2019 by PINAS

POL MONTIBON

 

SA pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Manila Zoo sa lungsod ng Maynila, matapos itong ipasara ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, asahan ang bagong mukha ng lugar kasabay ng pagbabago ng pangalan nito.

Sa isang panayam, kinumpirma mismo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang nakatakdang pagpapalit ng pangalan ng pasyalan na ito.

Mula sa Manila Zoo, gagawin na itong Manila Philippine Zoo, kung saan mas pinaganda ang lugar at maging ang pasilidad.

Magdadagdag din ng mga hayop at itutulak ng lungsod ang pagtangkilik ng mga hayop na sa Pilipinas lang matatagpuan habang pag-aaralan naman kung anong gagawin sa mga hayop na galing sa ibang bansa.

Sisimulan ang opisyal na paghuhukay sa buong lugar para sa mga itatayong struktura at pasilidad sa susunod na buwan, bagamat bigo pang nabanggit kung magkano ang kakailanganing pondo para sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng naturang zoo.

Samantala kinumpirma rin ni Moreno na unti-unti nang nakasusunod sa sanitation standard ng DENR ang nasabing zoo.

Matatandaang nitong buwan ng Enero ay iniutos ng dating Manila City Mayor Erap Estrada ang pansamantalang pagpapasara ng zoo dahil sa maruming tubig na nagdudulot ng polusyon sa tubig ng Manila Bay na kamakailan lang din ay ipinasara ng DENR dahil sa mataas na bilang ng coliform level.

 

Pambansa Slider Ticker DENR Department of Environment and Natural Resources

Manila Water, bukas sa lahat ng paraan para masuplayan ng tubig ang mga kostumer

July 1, 2019 by PINAS

MANILA Water, pinag-aaralan kung paano matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga kostumer kabilang dito ang pagkuha ng suplay ng tubig mula sa mga Water District ng Laguna, Cavite at Bulacan.

 

SMNI NEWS

PINAG-aaralan na ngayon ng Manila Water ang mga posibleng paraan na maaari nilang gawin upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga kostumer.

Kasunod ito ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam kung saan mas mababa na ito ngayon sa 160 meters na critical level.

 

Ayon kay Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla, kabilang sa kanilang tinitingnan ngayon ang pagkuha ng suplay ng tubig mula sa mga Water District ng Laguna, Cavite at Bulacan.

“We welcome lahat ng efforts to be able to provide additional supply for Metro Manila,” pahayag ni Sevilla.

Sa isinagawang pagdinig kamakailan ng joint committee sa Kamara hingil sa water shortage ay ipinanukala ng, DENR, Maynilad, Manila Water at Local Water Utilities Administration (LWUA) na magkaroon ng Department of Water na siyang mangangasiwa ng tubig sa bansa.

Pinag-usapan din ang pagdagdag ng dam na posibleng itatayo sa Quezon Province, Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan bilang tugon sa water shortage na nararanasan tuwing summer season.

Sa kabila naman ng mga pag-ulang nararanasan sinabi ng Pagasa Weather Bureau na posibleng abutin pa ng isang buwan bago bumalik sa normal ang tubig sa Angat Dam.

Pambansa Slider Ticker DENR Local Water Utilities Administration (LWUA) Maynilad

Joint memorandum circular, binuo para sa mga nagtatrabahong banyaga sa bansa

June 17, 2019 by PINAS

Chinese, Japanese, at Koreans – karamihan sa mga banyagang nagtatrabaho sa bansa.

 

HANNAH JANE SANCHO

INILAHAD ng Department of Labor and Employment sa 38th Cabinet Meeting ang estado ng mga nagtatrabahong banyaga sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello sa pagpupulong na ang mga pangunahing mga banyaga na nagtatrabaho sa bansa ay mga Chinese, Japanese, at Koreans.

 

Karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho bilang administrative support, offshore gaming operations at business process outsourcing.

Upang maresolba ang issue ng legalidad ng kanilang pagtatrabaho ay kailangan magkaroon ng isang joint memorandum circular na binubuo ng DFA, DOF, DOJ, BIR, DENR, PRC, BI at NICA.

Sa pamamagitan ng joint memorandum circular ang isang foreign national ay kinakailangan makakuha muna ng alien employment permit, working visa at tax identification number bago sila payagan magtrabaho ng legal sa bansa.

Pambansa Slider Ticker BI DENR Department of Labor and Employment sa 38th Cabinet Meeting Labor Secretary Silvestre Bello NICA PRC

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.