• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - April 21, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

DENR

56 endangered reptiles, nasabat ng Customs sa NAIA Terminal 2

February 22, 2019 by Pinas News

reptiles

Pinas News

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang nasa 56 endangered reptiles sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 2.

Nakumpiska ang mga hayop sa dalawang bagahe ng pasaherong si Neil Ryan Dysoco na sakay ng Philippine Airlines Flight PR 737.

Kabilang sa mga nasabat ay mga iguanas, bearded dragons at chameleons na mula Bangkok, Thailand.

Ayon sa DENR, walang naipakitang import permit ang suspek.

Tinatayang nagkakahalaga naman ng P25,000 hanggang P45,000 ang bentahan nito sa black market.

Mahaharap si Dysoco sa paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Metro News Slider Ticker Bangkok Thailand Bureau of Customs DENR NAIA Terminal 2 Neil Ryan Dysoco Ninoy Aquino International Airport Philippine Airlines Flight PR 737 SMNI News Wildlife Resources Conservation and Protection Act

Boracay: Nakahanda na ba sa muling pagbubukas?

October 15, 2018 by Pinas News

Ni: Melody Nuñez

NAKATAKDANG magbukas muli ang Isla ng Boracay sa Oktubre 26 matapos ang anim na buwang rehabilitasyon nito.

Ngunit nakahanda na nga ba itong tumanggap ng libu-libong turista?

Isang linggo na lamang ang nalalabi bago magbukas ang world-famous tourist destination ngunit maraming bahagi pa rin sa naturang isla ay sumailalim pa sa road construction at malayo ito sa katotohanang matapos bago ang muling pagbukas nito.

Kung titingnan ang main road matatagpuan ang magkabilaang hukay habang inihandang iluklok ang malalaking drain pipes sa lugar.

Nariyan ang maiingay na jackhammer na bumabasag sa konkretong daan para sa karagdagang road improvements ng isla.

Nariyan din ang naglalakihang backhoes na nakatambay sa maputik na bahagi ng kalsada habang sa ibang lugar naman ay hindi maaaring madaanan dahil sa malawakang paghuhukay.

Unti-unti na ring bumalik sa dating kagandahan ang karagatan sa dalampasigan ng isla na kung pagmamasdan mo ay mabubura sa isip ang magulo, maputik at maingay na kalsada.

Bumaba na sa below 400mpn (Most Probable Number) per 100 millimeters maximum tolerable level ang coliform levels ng white beach front ayon sa Department of Environment at sa huling pagsusuri ay hindi na ito humigit pa sa 20mpn per 100 millimeters.

Matatandaang tinawag noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na cesspool ang tourism island dahil sa mataas na lebel ng coliform nito.

Sana sa ginawang pagsisikap ng pamahalaan na maibalik ang kagandahan ng isla ay mas lalong magkaroon ng disiplina ang mga mamamayan rito.

Kailangan ng mga mamamayan mula sa mga turista, manggagawa, residente na mapanatili nila ang kalinisan at kaayusan sa paligid upang patuloy na mapakinabangan ang isla habang napananatili rito ang kagandahan ng lugar.

Sa kabila ng marami pang kailangang ayusin sa isla ay nakahanda na itong tumanggap ng local at foreign tourist dahil may 25 hotels and resorts na accredited na ng Department of Tourism (DOT) at maaari nang magbukas ang mga ito sa Oktubre 26 na tinatayang may 2, 063 bilang ng mga room.

Plano rin ng lokal na pamahalaan na limitahin ang bilang ng mga papasok na mga turista sa isla. Ayon sa DENR, may kapasidad ang Boracay na makapagsuporta ng mahigit 19, 000 na turista kada araw at nasa 6, 405 lamang ang kinakailangang daily arrivals nito.

Dahil dito ay malilimita ang lebel ng polusyon at hindi makararanas ng mataas na lebel na pagbabago.

Ngunit hanggang kailan din kaya mapananatili ang ganitong patakaran sa tourism island? Sana ay hindi hanggang sa pasimula lang ngunit gawin itong batas na susundin ng mga lokal mula sa pamahalaan hanggang sa mga nasasakupan nito.

Editorial Slider Ticker Boracay DENR Department of Tourism (DOT) Melody Nuñez Pangulong Rodrigo Duterte

Benham Rise, pag-aari ng Pilipinas — Duterte

May 23, 2018 by Pinas News

Ni: Quincy Joel Cahilig

SA paggunita ng unang ta­on ng Philippine Rise, muling binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang ibang bansa ang pwedeng umangkin dito at sa mga yamang taglay nito. Sinabi pa niya na handa siyang makidigma sa sinomang bansang aangkin dito.

 “Hindi ako papayag. And it will mean war. Nandoon na ‘yung Marines, huwag kayo matakot. Kasama ako doon, sabay tayo sa barko,” matapang na sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Natio­nal SWAT Challenge sa Davao City.

“We will never agree to an insult like that na just because ganito lang tayo you start to fuck with the areas there. I’ll go to war. Do not mess with us because we would not allow it. If it’s time to go to heaven, so be it. Huwag kayo matakot, mauna ako doon,” aniya.

Mayo 2017 nang opisyal na palitan ni Pangulong Duterte ang tawag sa Benham Rise bilang Philippine Rise sa bisa ng isang Executive Order matapos makita ang ilang barko ng China sa karagatang sakop ng teritoryo ng ating bansa.

Kinikilala ng United Nations Commission on the Li­mits of the Continental Shelf na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Benham Rise, ang undersea plateau 135 mil­ya mula sa dalampasigan ng lalawigan ng Aurora, na may lawak na 13 milyong ektarya. Tanging ang bansa lamang ang may karapatan dito.

Ang pagkilalang ito ng UN ay sinusuportahan ng mga iprinisinta ng Pilipinas na iba’t-ibang mga scientific at technical evidence, gaya ng geodetic, bathymetric, geophysical, at geological data mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at mga international sources upang mapatunayan na sakop nga ng pambansang teritoryo ang Benham Rise.

Ngunit nitong Pebrero ay lumutang ang balitang pina­ngalanan at matagumpay na nairehistro ng China ang limang undersea features ng Philippine Rise sa International Hydrographic Organization.  Inaangkin ng China na sila ang “nakadiskubre” sa mga ito noong 2004.

Matapos pumutok ang balita, ipinag-utos ng Pangulo na tigilan na ang lahat ng pagsisiyasat na isinasagawa ng mga dayuhan sa Philippine Rise. Kinansela niya ang 30 lisensya ng mga maniniyasat mula sa United States, China, Japan, South Korea, at Germany at inatasan ang Philippine Navy na magpatrolya sa nasabing lugar.

 

Ano ba ang mayroon sa Philippine Rise?

Ang Benham Rise ay natu­klasan ni U.S. geologist Andrew Benham noong 1933. Ito ay tinatawag na “natural submarine prolongation” of Luzon na may lalim na 3,000 hanggang 3,500 metro. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na mayaman ito sa mineral at gas deposits.

Sa Benham Bank ang pi­nakamababaw na bahagi nito, na may lalim na 48 hanggang 70 metro, naninirahan ang iba’t-ibang klase ng hayop at halamang dagat.

Ayon sa mga siyentipiko, nasa 200 fish species ang makikita sa Philippine Rise na kinabibilangan ng surgeonfish, hawk fish, at damselfish, kasama na din ang dambuhalang tiger shark, at mga soft at hard corals, algae, at sponges. Sinasabi rin na maraming klase ng tuna ang makukuha din dito tulad ng big-eye, yellowfin tuna, at albacore. Kaya naman malaki ang pakinabang sa Philippine Rise ng mga mangingisda sa mga lalawigan ng Quezon, Aurora, at Catanduanes.

Batay naman sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources, may mga indikasyon ng malalaking deposito ng solid methane, na isang uri ng na­tural gas sa ilalim nito.

Kaya naman hindi na kataka-taka na maraming bansa ang interesado sa nasabing yamang taglay ng Pilipinas.

 

Maritime research susi sa proteksyon ng Philippine Rise

Nakasaad sa Article XII, Section 2 ng Saligang Batas, ang Estado ay may mandato na protektahan ang mga yamang dagat na sakop ng teritoryo ng bansa, at exclusive economic zone upang mapakinabangan ang mga ito ng mamamayang Pilipino.

Upang maprotektahan ang Philippine Rise, magsasagawa ang gobyerno ng national maritime scientific research (MSR) program dito, na pa­ngungunahan ng 50 Pinoy scientists.

Lulan ng BRP Gregorio Velasquez, ang research vessel na donasyon ng Amerika, lalayag ang mga eksperto sa Philippine Rise at isasagawa ang kanilang pag-aaral hanggang sa huling linggo ng Mayo.

Layunin ng pag-aaral na pangalanan ang limang undersea features sa Philippine Rise, na paghahayag din ng di pagkilala ng Pilipinas sa mga pangalang ibinigay ng China sa mga ito.

Bukod dito, nais ding maunawaan ng mga siyentipiko ang mga prosesong nangyayari sa ating mga karagatan mga impormasyong mahalaga para sa sektor ng pangingisda sa bansa.

Mataas ang kumpiyansa ni Dr. Mario Aurelio, director, UP National Institute of Geological Sciences, na sapat ang kakayahan ng mga siyentipikong Pinoy na magsagawa ng MSR sa Philippine Rise.

“Yes, indeed we have the technical capability, meaning, the expertise,” wika ni Aurelio.

Aniya, matagal nang isinasagawa ng mga Filipino scientists ang pag-aaral sa ating mga karagatan ngunit hindi nga lang laganap sa kamalayan ng publiko ang kanilang mga gawain sa mga nakalipas na taon.

Bagamat tiwala sa kakayahan ng ating mga siyentipiko, aminado si Aurelio na pag dating sa kagamitan ay mayroon pa ring kakulangan.  Ngunit, pinag-uusapan na umano ng pamahalaan at ng iba pang mga sektor na may kinalaman sa marine scientific research and exploration, ang pagbili ng karagdagang mga kagamitan at sasakyang pandagat upang malubos ang mga pagsisiyasat na isasagawa sa hinaharap.

“At present, the Philippines­ does not have a comprehensive agenda that would incorporate all the sectors or all the perspective of scientific research from solid earth to atmospheric to meteorological,” wika ni Aurelio. “And so the objective of this, what we call roundtable discussions now, is geared towards esta­blishing the National Marine Research Agenda.”

Dagdag ni Aurelio, layunin ng itatatag na National Marine Research Agenda na makabili ng karagdagang equipment tulad ng underwater drones, research vessels, at remote operated vehicles.

Aminado naman ang naturang ekperto na, sa ngayon, ay hindi pa sapat ang pondo ng pamahalaan para sa pagsasagawa ng MSR.  Wika ni Aurelio, umaaot sa PHP 5 bilyon ang kailangang halaga para makabili ng isang marine research vessel. Samantalang ang isang MSR abroad ay magkakahalaga ng PHP 3.8 milyon kada araw.

National Slider Ticker Benham Rise China Davao City DENR Department of Environment and Natural Resources Dr. Mario Aurelio Germany Japan Pangulong Rodrigo R. Duterte Philippine Navy Philippine Rise Pilipinas PINAS Quincy Joel Cahilig South Korea U.S. geologist Andrew Benham United States UP National Institute of Geological Sciences

Pangalagaan ang potensyal ng ating mga tourist spot

March 12, 2018 by Pinas News

Pinas News

KUNG ang gagawing batayan ang bilang ng mga resort sa Boracay at El Nido na nakitaan ngayon ng DENR na lumalabag sa mga batas kalikasan, walang ibang konklusyon ang mararating kundi ang pagiging-iresponsable ng Pinoy

Ayon sa ulat ng DENR, halos 50% ng mga establisi-yemento na nainspeksyon kamakailan sa Boracay, at 99% sa El Nido sa Palawan, ang walang maayos na daluyan ng dumi mula sa kanilang mga kusina at palikuran kundi direkta itong umaagos sa dagat. Hindi ba isang kaungasan na sirain mo ang pinagmumulan ng iyong hanap-buhay? Na dumumi ka sa sarili mong bakuran?

  • Sa totoo lang, kasalanan ito ng lokal na pamahalaan at sa kahuli-hulihan ng ating pamahalaang nasyonal – resulta ng deka-dekadang kurapsyon, kahinaan ng political will, ka-tamaran, pagiging maikli ng pananaw ng mga nasa katungkulan, dahil sino ba naman ang dapat magturo sa mga tao at magpatupad ng batas kundi ang nasa liderato? Sa matagal na panahon kasi sobre lang ang katapat para ma-isyuhan ng business permit at license to operate ang mga establisi-yemento kahit hindi dumaan sa masugid na inspeksyon.Ngunit hindi pa huli para iligtas ang Boracay at iba pa nating mga resort town hindi lamang mula sa environmental degradation kundi sa sinapit ng isang pangunahing tourist destination katulad ng Baguio City. Noong una, ilang dekada lang ang nakaraan, napakagandang puntahan ang Baguio City dahil sa berde nitong mga kabundukan at malamig na simoy ng hangin, ngunit ngayon ay puro masakit sa mga mata ang masisilayan roon – sari’t-saring mga bubong ng bahay at mga antenna ng TV ang makikita, nagsisiksikan at wala sa ayos. Sayang.  Kung nagkaroon lang sana ng mahusay na city planning ang pamahalaan ng Baguio noon pa man, at umaksyon ang pamahalaang nasyunal, ay hanggang sa ngayon sana ay isa pa ang Baguio City sa pinakamagagandang lugar sa Pilipinas. Maaaring dinadayo pa ito ng mga turista ngayon lalong lalo na sa panahon ng Panagbenga, ngunit may potensyal sana ito na maging katulad ang ganda ng Santorini Coast sa Greece o Amalfini Coast sa Italy kung saan magkakatumbas ang anyo at kulay ng mga bahay at gusali, may simetriya at tamang balanse ang pagkakatayo ng bawat isa.

  • Nakalulungkot din masdan ngayon ang heritage city ng Intramuros.  Nakaiinis tingnan ang mga pedicab, ang alikabok na tumataklob sa lumang mga bato, at ang squatter area sa loob ng lugar.  May potensyal din sana ang Intramuros, na kahit maliit,  ay maging kahawig sa mga katulad na “walled city” sa mundo kagaya ng Old City of Toledo sa Espanya o Carcassonne sa Pransya, kung saan ang bawat elemento sa loob ng lumang mga pader ay nakadaragdag sa pagka espesyal ng mga ito.

    Mariin sanang ito na nga ang bagong panahon kungsaan magkasamang pa-ngangalagaan ng ating mga lokal na pamahalaan, departamento ng kalikasan at ng departamento ng turismo ang ating mga tourist spots para sa kapakanan at kinabukasan ng mga darating na mga henerasyon.

  • Editorial Slider Ticker Baguio City Boracay DENR El Nido Palawan PINAS SMNI News

    Benham Rise, Tagong Yaman Sa Pilipinas Na Pinag-aaralan Ng Pinoy

    February 6, 2018 by Pinas News

    Ni: Kristin Mariano

    UMALMA ang maraming Pilipino sa pagpayag ng administrasyong Duterte sa mga Chinese researchers na magsagawa ng pagsasaliksik sa Benham Rise sa karagatang Pasipiko malapit sa lalawigan ng Isabela. 250 kilometro lamang ang layo ng Benham Rise sa Pilipinas at nasa ilalim ito ng Exclusive Economic Zone ng bansa. Ang pagkadismaya ng mga Pinoy ay nag-ugat sa pag-angkin ng China sa mga isla at karagatan sa West Philippine Sea. Ang Benham Rise ay nasa silangang bahagi ng Pilipinas at higit na mas malayo sa China.

    Tila pinagnanasaan ng China ang Benham Rise na hitik sa yamang dagat at mineral. Sinasabing mayaman ang Benham Rise hindi lamang sa isda pati na rin sa natural gas na maaaring pagkunan ng enerhiya. Hinala ng marami na ito ang habol ng China sa paggalugad sa lugar na nangangailangan ng resources para suportahan ang bilyon-bilyon nitong residente.

    Dapat ba natin itong ikabahala? Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas na dapat protektahan ng gobyerno ang teritoryo ng bansa. Ayon kay Roilo Golez, dating National Security Adviser, ang pagpayag sa Tsina na pasukin ang lugar ay maaaring pagpapahayag ng kanilang presensya sa Pasipiko na dinodomina ng US at Japan. Dagdag pa ni Goilez na naghahanap ang China ng “thermocline,” lugar sa ilalim ng dagat kung saan biglang nagbabago ang temperatura at kung saan nakakagalaw ang mga submarine.

    Mahigpit na kalaban ng Pilipinas ang China sapagkat iginigiit ng China ang kanilang nine dash line na argumento sa pinag-aawayang West Philippine Sea. Kabilang sa inaangkin ng China ang ilan sa mga isla sa Spratlys, at madalas narin mamamataan ang mga barko ng Chinese sa karagatan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.

    Anong meron sa Benham Rise?

    Natuklasan ng DENR na may malaking deposito ng methane hydrates o tinatawag din na methane ice sa Benham Rise. Sinasabing maaaring magpayaman sa bansa ang mga depositong ito bilang natural gas exporter. Ang natural gas ay ginagamit para mag-produce ng enerhiya. Ang eksatong laki ng deposito sa Benham Rise ay hindi pa nasusukat hanggang ngayon dahil sa sinabi ng Department of Agriculture na mas makabubuting huwag nang magsagawa ng oil exploration sa Philippine Rise at sa halip ay ireserba ang yamang-tubig nito para sa seguridad sa pagkain ng Pilipinas.

    Napakalawak ng mga lugar na pangisdaan sa Philippine Rise, kaya hindi dapat na makapanghimasok ang mga dayuhan sa napakayamang pangisdaan na sakop ng ating territorial waters. Ang mga Pilipinong angler ay tiniyak na maraming blue marlin, sailfish at iba pang malalaking isda na nahuhuli sa bingwit sa Philippine Rise.

    Sa Pilipinas Ba Ang Benham Rise?

    Ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pag-aari ng Pilipinas ang Benham Rise. Kung tutuusin, may sovereign rights ang Pilipinas sa Benham Rise. Ang sovereign rights ay pinapayagan ang eksplorasyon, paggalugad, at pamamahala sa mga likas na yaman. Noong nakaraang taon, pinangalanan ang Benham Rise na Philippine Rise at idineklara ng United Nations noong 2012 na extension ito ng Pilipinas.

    Ikinagulat din ng mga netizen ang sinabi ng palasyo na walang kakayahan ang Pilipinas at mga Pilipino na magsagawa ng pananaliksik sa Philippine Rise. Samantala, ilang taon ng pinag-aaralan ng mga Pilipinong eksperto ang lugar at mga yaman nito na maaaring magpayaman sa Pilipinas:

    1. Mula 2004-2008 at noong 2010, nagpadala ang National Mapping and Resource Information Authority ng DENR ng hydrographer na gumawa ng 3D digital bathymetric model ng buong rehiyon.
    2. Sa nakalipas na isang dekada, DA’s Bureau of FIsheries and Aquatic Resources ay nagsasagawa ng pananaliksik sa mga isda at mga ekspidisyon sa Benham Rise upang alamin ang mga potensyal ng katubigan at mga bagong species na naninirahan sa lugar.
    3. Noong 2014 at 2016, nag-organisa ang DOST, na sinuportahan ng DA-BFAR at sa partisipasyon ng University of the Philippines, De la Salle University, Silliman University at iba pang mga unibersidad, ng dalawang oceanographic research cruises sa Benham Bank – ang pinakamababaw na parte ng Benham Rise. Ang ikatlong cruise ay nakatakdang ganapin ngayong taon. Ang cruise ay binubuo ng mga scientists, marine science students, Navy and Coast Guard technical divers, and mariners. Sinuportahan ito ng Oceana, isang NGO na nagtataguyod ng konserbasyon ng marine resources sa pamamagitan ng pagpapahiram ng mga gamit at pagpapadala ng mga scientists at technical divers.
    4. Pinag-aaralan din ng UP National Institute for Geological Sciences and UP Marine Science Institute ang mga samples at observations na nakukuha mula sa mga nakaraang research.
    5. Sa pagtatangka na protektahan at pamahalaan ang Philippine Rise, ibinalita ng PINAS na may planong magtayo ng naval base sa Casiguran, Aurora malapit sa lugar upang magpatrolya sa mga nais manamantala

    Ilan lamang ito sa mga proyekto ng pamahalaan at pribadong sektor sa patuloy na pagsasaliksik at paglinang ng Benham Rise. Marami pang mga nakalatag na proyekto para sa Philippine Rise ang mga Pinoy. Isang tanong ang mananatili, magiging hadlang ba ang pagpasok ng Chinese researchers sa mga planong ito?

    Pambansa Slider Ticker Administrasyong Duterte Benham Rise China DA's Bureau of FIsheries and Aquatic Resources De La Salle University DENR Department of Agriculture DOST Harry Roque Japan Kristin Mariano NGO Roilo Golez Silliman University Tagong Yaman Sa Pilipinas University of the Philippines US West Philippine Sea

    DENR, bibigyang solusyon ang polusyon sa Metro Manila

    November 28, 2017 by Pinas News

    Ni: Ana Paula A. Canua

    UPANG pangalagaan ang kapaligiran, bumuo ang Department of Natural Resources (DENR) ng task force na tututok sa pagpapatupad ng batas at regulasyon  sa Kalakhang Maynila.

    Ang “task Force DENR Metro Manila” ang siyang huhuli at magsasaayos sa problemang kapaligiran sa Metro Manila, syempre sa tulong na rin ng mga residente at lokal na pamahalaan, magsasagawa ng mga proyekto na magreresolba sa lumalalang polusyon sa Metro Manila.

    “Task Force DENR Metro Manila” is part of an ongoing effort to strengthen the agency’s law enforcement muscle, which he described as the “weakest link” in the fulfillment of the agency’s mandate to preserve and protect the environment and natural resources of the country”, pahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu.

    Sa inilabas na statement ng DENR anila nanatiling walang pangil ang batas. Nawawalan ng silbi ang inamyendahang mga panukala kung walang magpapatupad at walang huhuli sa mga environment offenders, sa ngayon nanatili pa rin itong isang malaking hamon sa ahensya.

    “It is ironic that enforcement is still the weakest link to the DENR’s organizational effectiveness despite the sufficiency of existing laws that have been in operation for over a decade now,” dagdag ni Cimatu

    Task Force DENR

    Nahahati sa apat na team ang task force, bawat isa ay may hawak na tatlo hanggang apat na lungsod sa Metro Manila.

    Ang isang team ay binubuo ng 12 miyembro mula sa iba’t ibang kawani ng DENR, kabilang dito ang Environmental Management Bureau, Forest Management Bureau at ng Biodiversity Management Bureau.

    Ang apat na task force ay responsible sa apat na quadrants. Ang quadrant one: Quezon City, Marikina, Pasig, San Juan, Caloocan-North, Valenzuela at Mandaluyong. Quadrant two: Makati, Pateros at Taguig. Quadrant three: Pasay, Paranaque, Muntinlupa at Las Pinas. Quadrant four: Navotas, Malabon, Manila and Caloocan-South

    Polusyon sa Metro Manila

    Mausok, makalat, barado’t mabahong kanal isama pa ang pagbaha, ilan lamang iyan sa mga problemang kapaligiran na hinaharap  ng Kalakhang Maynila. Isang hamon para sa DENR na pasunurin ang malaking populasyon ng Maynila.

    “Owing to being the country’s highest population density and concentration of economic activities, Metro Manila has the highest incidence of violations of environmental laws and that makes it an ideal pilot area for the effort,” giit ni Cimatu.

    Maituturing na ngang lahat ng uri ng polusyon ay nasa Metro Manila; Water Pollution, Air Pollution, Soil Pollution at Noise Pollution. Artipisyal at dekorasyon na lamang ang mga puno at halaman upang mapaganda ang mga establisyimento. Samantalang ang kalinisan ay sinasawalang bahala na lamang at pinauubaya sa mga street sweepers. Ang polusyon ay resulta ng kawalan ng disiplina at pagmamalasakit sa kapaligiran.

    Solusyon sa polusyon

    Tututukan ng task force DENR ang tatlong pangunahing layunin  kabilang ang solid waste management, clean air at clean water.

    Hinihikayat din ni Cimatu na gawin ng task force ang lahat upang maipakalat ang impormasyon at maging ‘interactive’ ang paggawa ng solusyon.  Ang paggamit ng social media upang magbigay ng public awareness at mai-report ng mga netizen ang mga environmental offenders.

    DOH: pollution exceeds beyond tolerable level

    Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Department of Health at  World Health Organization, Western Pacific Regional Office  naitala na ang nilalanghap na hangin sa Metro Manila ay may mataas na lebel ng polusyon na higit pa sa kaya ng katawan. Ayon sa DOH delikado ito lalung-lalo na sa mga bata.

    Dagdag din ng DOH ang pangunahing dahilan ng polusyon ay mula sa mga sasakyan, pangalawa ay ang mula sa mga factories at first class hotels sa Metro Manila. Ang paggamit ng leaded gasoline rin ng maraming sasakyan ay nagdadala ng maitim at mapanirang usok, isama pa ng mga kemikal na nilalabas ng mga factories, na dumadaloy sa mga creek at ilog.

    Marahil pamilyar na rin sa atin ang mga tagpong, tapon-dito…tapon-doon. Kung pagsasamahin ang maliit na kalat na tinapon mo at ang maliit na kalat ng iba, bubuo ito ng tone-toneladang basura na lulutang sa ilog o di kaya’y babara sa daluyan ng tubig.

    Responsiblidad ng lahat

    Magiging matagumpay lamang ang proyektong ito kung magpapakita ng disiplina ang bawat isa. Mahalaga na magkaroon ng saysay ang clean-up drives na ginagawa ng mga organisyon at maipagpatuloy ng mga residente malapit sa ilog at creek ang kalinisan.

    Maaaring nasa balikat ng DENR ang responsibilidad ngunit nasa kamay naman natin ang solusyon sa polusyon.

    Environment Slider Ticker Ana Paula A. Canua Caloocan-North Caloocan-South DENR Department of Health Department of Natural Resources DOH Las Piñas Malabon Mandaluyong Manila Marikina Metro Manila Muntinlupa Navotas Paranaque Pasay Pasig Pateros Quezon City Roy Cimatu San Juan Taguig Valenzuela

    • « Previous Page
    • Page 1
    • Page 2
    • Page 3
    • Page 4
    • Next Page »

    Primary Sidebar

    PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
    Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
    Pinas Philippines and Asia
    HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
    Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

    Pinas Canada

    Circulation
    Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
    Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

    Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
    Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
    Pinas USA


    Sonshine Media Network International.
    Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.