POL MONTIBON
INANUNSYO ng Department of Environment and Natural Resources ang panandaliang pagsasara ng tinaguriang “Turtle Island” o ang Panikian Island sa bayan ng Pitogo sa Zamboanga Del Sur.
Naging epektibo ang Notice to Public ng DENR nitong Martes ng nakaraang linggo matapos mapagdesisyunang isailalim ang isla sa isang clean-up drive.
Sa naging pahayag naman ni Brendelyn Madarang ng DENR’S Protected Area Management and Biodiversity Conservation Section, aniya pangunahing dahilan sa pagsasa-ayos sa isla ay upang masiguro ang pangmatagalang proteksiyon at pangangalaga dito.
Hinikayat naman ng grupo ang publiko na makipagtulungan sa kanilang adhikaing mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng Panikian Island.
Tinagurian itong Turtle Island dahil sa laging pagbisita ng mga Green Sea Turtles sa isla para mangitlog.
Dahil dito naging tourist attraction na ito sa Panikian Island.