TJ BUMANLAG
POSIBLENG magkaroon ng pangatlong rematch ang tinaguriang Gypsy King na si Tyson Fury matapos muling matalo nito si Deontay Wilder sa isang heavyweight title rematch sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas.
Sinasabing ito ay kahanga-hangang pagkapanalo ni Fury matapos nitong malulong sa droga at alak.
Limampu’t walong power punches ang naitala ni Fury samantalang 34 at 18 power shots lamang ang naitala ni Wilder.
Sinasabing, ito ang kauna-unahang pagkatalo ni Wilder sa nakalipas na 44 na laban nito.
Ang dalawang boksingero ay pinangakuan ng $5-M para sa kanilang pangatlong fight at maaaring manalo ng $40-M ang isa sa kanila.