Hindi muna magpapatawag ng pagdinig ang senado kaugnay sa pagkalat ng bird flu sa San Luis, Pampanga upang maresolba muna ang sakit na kumakalat sa mga manok.
Ayon kay Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food ayaw nitong maabala ang mga opisyal ng Deparment of Agriculture (DA) na kailangan pang magtungo sa senado para lamang dumalo ng hearing.
Hahayaan muna aniya nito na masugpo ang bird flu bago magpatawag ng pagdinig sa senado kung paano kumalat ang avian flu sa Pampanga na nakapinsala ng libu-libong manok.
Umaasa si Villar na ang outbreak ay hindi magdudulot ng malaking puwang sa suplay ng manok at poultry products na hindi maaaring punan ng mga lokal na raisers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi pa ng senador na maghahain siya ng panukalang batas upang palaguin ang industriya ng livestocks at poultry sa bansa.
Samnatala, muling binisita ng senadora ang Baseco Compound para sa isang ground breaking ceremony ng karagdagang kalye na may taas na isandaan at dalawampung metro.
Kasabay nito ay ang launching rin ng vegetable garden katuwang ang Bureau of Soil and Water Management.
Sa tuwing bumibisita si Sen. Villar sa Baseco Compound ay hindi rin mawawala ang clean up drive at ang mangrove planting sa lugar.