Margot Gonzales
TUWIRANG sinabi ni DOST Sec. Fortunato Dela Peña na hindi ito pabor sa panukalang pagtatayo ng Department of Disaster and Resilience sa isinasagawang pagdinig nito sa Senado.
Ayon sa kaniya dapat na manatili sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pamamahala sa disaster and resilience ng bansa.
Ayon kay Dela Peña sa 65 years na pamamahala ng NDRRMC ay naging effective at efficient naman ang performance ng ahensya.
Una naman sinabi na sakaling maitayo ang Department of Disaster and Resilience ay hindi nitong pwedeng iabsorb ang PAGASA at Phivolcs.
Aniya ito ay science agency at dapat lang na manatili sa pamamahala ng Dept. of Science and Technology.
Samantala, ito rin ang naging tono ni Office of Civil Defense Admin Ricardo Jalad, maging ni National Resilience Council Pres. Ma. Antonia Yulo Loyzaga na kung saan sinabi niya na ang otoridad sa pamamahala ng Disaster and Resilience Program sa NDRRMC.
Para naman kay DILG Sec. Eduardo Año kailangan lamang paunlarin ang kakayahan nitong pamahalaan ang nasabing ahensya.
Maging si Senator Imee Marcos ay hati ang opinyon sa panukalang pagtatayo ng DDR.
Aniya masyadong magastos ito lalo pa’t sa pasweldo pa lamang ng mga usec sa isang departamento ay malaki na ang gagastusin ng pamahalaan.
Sa senado ay apat na senador ang nagtutulak ng panukalang DDR gaya nila Sen. Bong Go, Migz Zubiri, Tolentino, Sotto, at Pia Cayetano.