DEPED Undersecretary Nepomuceno Malaluan
POL MONTIBON
IGINIIT ng Department of Education o DepEd na hindi lamang ang malnutrition ang dahilan kung bakit maraming nahihirapang makabasa sa Bicol Region.
Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na nagsasagawa na sila ng school-based feeding program kung saan sa simula ng school year ay ina-assess ang bawat mag-aaral at kung siya ay pumasok sa malnourished level ay isasailalim ito sa loob ng 120 days na feeding program.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng DepEd ang mga nakapaloob sa K-12 program kung may mga descripancy pa ito at ina-assess na ang lahat ng teacher kung may mga pagkukulang na kinakailangan mapunan sa paraan ng pagtuturo.